Drone attack sa Strait of Hormuz... 7 Pinoy na tripulante, nadale
- BULGAR

- 5 days ago
- 1 min read
ni BRT @News | May 8, 2026

Photo: Reuters
Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na pitong Filipino seafarers ang nasugatan matapos tamaan ng Iranian drone attack ang Malta-flagged vessel na MV San Antonio sa Strait of Hormuz noong May 5.
Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, kabilang ang pitong Pinoy sa walong crew members na nasaktan sa insidente. Apat ang nagtamo ng minor injuries, habang tatlo ang nasa ICU at mino-monitor dahil sa mas seryosong pinsala, ngunit hindi naman umano life-threatening ang kanilang kondisyon.
Sinabi ng DMW na patuloy nang mino-monitor ng embahada at labor officials ang kalagayan ng mga seafarer at nakikipag-ugnayan sa ospital at host government para sa tulong.





Comments