top of page
SHOWBIZ SPECIAL - GARY V., ‘DI UBRANG MAGPA-STEMCELL-IG _garyvalenciano.jpg

Driver's license ni Justin Timberlake, sinuspinde

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 3, 2024
1 min read

ni Eli San Miguel @Entertainment News | August 3, 2024


Sports News
Photo: Justin Timberlake / IG

Pinanindigan ng pop star na si Justin Timberlake ang 'not guilty' plead sa kasong drunk driving matapos siyang maaresto sa Sag Harbor, New York noong Hunyo, kung saan namataan siya ng isang pulis na hindi sumunod sa stop sign at lumihis ng linya.


Sinuspinde ni Sag Harbor Village Justice Carl Irace ang pribilehiyo ni Timberlake na magmaneho sa New York hanggang sa kanyang susunod na pagdinig sa korte sa Agosto 9.


Ginanap ang pagdinig sa isang virtual setting dahil nasa Europe si Timberlake para sa kanyang world tour upang suportahan ang kanyang pinakabagong album na "Everything I Thought It Was."


Noong Hulyo, sinabi ng abogado ni Timberlake na si Edward Burke, na hindi lasing ang singer habang nagmamaneho at hindi siya dapat maaresto.


Naaresto ang 43-anyos na singer noong Hunyo 18 sa bayan ng Sag Harbor sa Long Island, habang siya ay nagmamaneho ng isang gray BMW 2025.


Sinabi naman ni Timberlake sa pulis na nakainom siya ng isang martini bago magmaneho at tumangging kumuha ng breathalyzer test.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page