Drive-thru sa supermarket, isinusulong ni Taduran
- BULGAR

- Jul 9, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | July 8, 2020

Iminungkahi ni ACT-CIS party-list Representative Niña Taduran na magkaroon ng drive-thru ang mga supermarket para maiwasan ang person-to-person contact sa pamimili at maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Sa isang pahayag, sinabi ni Taduran na kahit nagagawa ang physical distancing, may posibilidad pa ring mahawa at kumalat ang COVID-19 kapag nakapila sa grocery na tumatagal ng ilang oras.
Bukod pa rito, sinabi rin ni Taduran na mayroon na ring proposal mula kay Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Administration PLt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan na magsagawa ng drive-thru services tulad ng gun registration at vehicle clearance para sa mga frontliner na pulis.
Ang mungkahing ito ay makatutulong din sa ating ekonomiya dahil mas mapapadali umano ang mga konsyumer na makapamili ng kanilang mga kailangan.
“Tanggapin na natin na ganito na ang ‘new normal’ and the only thing we can do to save ourselves from COVID-19 is to adapt," sabi ni Tugade.





Comments