Drip session sa Senado... MARIEL: VITAMIN C 'YUN, HINDI GLUTA
- BULGAR
- Feb 25, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | February 25, 2024

Itinanggi ni Mariel Rodriguez Padilla noong Sabado ang pagsasagawa ng glutathione drip habang nasa opisina ng kanyang asawa na si Senador Robinhood Padilla.
Sa isang Facebook video, humingi siya ng paumanhin sa mga nasaktan sa kanyang online post.
"I-clear na natin… Nagpunta po ako sa Senate for the Eddie Garcia bill, hindi po ako nakikipunta doon lagi kasi full time mom ako. Sobrang pinaghirapan ng asawa ko ang bill na 'yan, I was there to support him," pahayag niya sa isang online selling video.
Nilinaw niya na vitamin C drip ang isinagawa sa opisina, taliwas sa umano’y glutathione drip.
"Every week I have a Vitamin C drip. Inisip niyo po na glutathione 'yung ating ginagawa… Vitamin C po iyon," aniya.
"Never ko pong intention na mambastos o whatever. My intention was to show that no matter how busy you are, pina-prioritize pa rin natin ang paglalagay ng bitamina sa'ting katawan... I had no intention whatsoever to disrespect the Senate,” dagdag niya.
Iginiit niya rin na hindi niya itinuturing na nakakasakit ng damdamin ang kanyang mga kilos dahil ito'y sa opisina ng kanyang asawa.
“May mga na-offend, so I deleted that post. But I never ever said that I was taking gluta. It was vitamin C," paliwanag ni Mariel.
"I'm saying sorry sa mga na-offend... Now I'm going back to my live selling, yung mag-hate pa diyan, okay go,” dagdag niya.




Comments