Dream maka-collab si Celine Dion… LANI, PINANOOD NG MGA SIKAT NA SINGERS ABROAD
- BULGAR

- May 13, 2025
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 13, 2025

Lani Misalucha - IG
Nasa bucketlist pala ng Asia's Nightingale na si Ms. Lani Misalucha ang maka-collab ang international diva na si Celine Dion.
Never pa raw nabigyan ng chance si Lani na ma-meet in person si Celine Dion o kaya ay makasama itong mag-perform kaya aniya, kahit nga raw ‘di na sila mag-duet, ‘yung magkasama lang sila sa stage ay magiging sobrang happy na siya.
Although proud si Lani dahil sa ilang shows niya abroad ay naging audience na niya noon ang ama ni Michael Jackson na si Joe Jackson, maging ang sikat na American singer na si Dionne Warwick na kumanta ng That's What Friends Are For at ang isa pang American singer-actress na si Gladys Knight na kumanta naman ng Neither One of Us at Best Thing That Ever Happened To Me.
In fact, dahil bumilib nga raw si Gladys Knight sa kanyang boses at performance, there was a time na naging agent-talent manager pa niya ito sa US.
Kaya naman talagang nakaka-proud ang achievement ni Ms. Lani Misalucha na after a long time ay magbabalik sa concert scene rito sa ‘Pinas sa Aug. 21, 2025 para sa kanyang Still Lani sa The Theater at Solaire, 8 PM.
Para na rin ito sa celebration ng kanyang 40th year as a singer kaya pramis ng Backstage Productions na producer ng Still Lani, gagawin nilang very memorable and special ang concert bilang pasasalamat na rin ng singer sa patuloy na pagtangkilik at pagkilala sa kanyang mga kanta ng Pinoy fans.
Si Toma Cayabyab ang musical director ng Still Lani, habang si Calvin Neria ang concert producer.
Sharon, todo-effort na, wa’ epek pa rin…
KC AT KIKO, ‘DI PA RIN BATI
TIYAK na masaya ang puso ni Megastar Sharon Cuneta sa pagdiriwang ng Mother's Day last Sunday, May 11, dahil hindi nakalimot ang kanyang mga anak at mister na si dating Sen. Francis Pangilinan sa pagbibigay sa kanya ng surprise gift with matching heartfelt messages na ipinost niya sa kanyang Instagram account.
Unang ipinost ni Ate Shawie ang pagbati sa kanya ni Miel na gumamit ng throwback photo nila nu'ng bata pa ang third child ng singer-actress.
Sumunod naman niyang ipinost ang aniya ay ‘garden’ na bouquet of flowers na gift ni KC na may kasama pang set of earrings at pati ang super touching handwritten letter nito.
At pangatlo, ipinost din niya ang bouquet of flowers na Mother's Day gift ni Kiko with matching card din kung saan mababasa ang mensahe nito.
Pero tiyak na mas makukumpleto sana ang happiness ng Megastar kung tuluyan nang magkakaayos at magkakabati ang kanyang mister at panganay na si KC.
Inamin naman kasi ni Ate Shawie at maging ng senatoriable ngayong si Kiko (as we write this ay ‘di pa namin alam kung nakapasok siya sa Top 12) na until now ay ‘di pa rin nagkakausap si KC at ang kanyang stepdad.
Kaya sa mga nagtataka kung bakit hindi nangampanya si KC para kay Kiko, ‘yan na ang sagot.
Pero sabi naman ni Mega, normal lang sa pamilya ang tampuhan at hindi naman daw siya tumitigil sa pag-e-effort na pag-ayusin at pagbatiin ang dalawa, kaya lang panahon lang daw ang makakapagsabi kung kelan at ayaw naman niyang pilitin ang mga ito.
Well, ang maganda naman sa tampuhan nina Kiko at KC ay naging tahimik lang sila at hindi nagkalat sa social media, kaya for sure, hinihintay lang nilang pareho ang tamang panahon at magkakaayos din sila.





Comments