Dream isali sa car racing… VIN DIESEL, GUSTONG DALHIN NI JOMARI SA ‘PINAS
- BULGAR
- 10 hours ago
- 4 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | Apr. 30, 2025
May magandang anekdota si Parañaque 1st District Councilor Jomari Yllana kung bakit siya nauwi sa pagiging professional car racer at ngayon nga ay founder ng Yllana Racing na in partnership with Okada Manila ay muling binuhay at ibinabalik ang country’s most anticipated racing events, ang Okada Manila Motorsport Carnivale 2025.
Sa ginanap na media launch kahapon ng Okada Manila Motorsport Carnivale 2025 na magki-kick-off sa May 4 (Linggo), naikuwento ni Jomari na nu’ng Gwapings days nila nina Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuoso, nasa underground (meaning, illegal at walang permit) drag racing pa siya.
And that time nu’ng nagsisimula pa lang siyang mangarera, ang purpose niya ay para sa pusta at kumita.
One time, sa isang underground drag racing sa Greenhills, nahuli raw siya ni Jinggoy Estrada (maybe mayor ng San Juan that time) at nu’ng hinarap at kinausap na raw sila ng kanyang mga kasamang nagkakarera, nakilala siya nito bilang isa sa Gwapings na barkada ni Mark Anthony Fernandez na anak naman ng kaibigan ni Sen. Jinggoy na si the late Rudy Fernandez.
Hindi na raw siya hinuli ni Jinggoy at sinabihang ‘wag nang sabihin sa iba na pinalusot siya nito (Hahaha! Those were the days na lang talaga!), pero siyempre, kaakibat nu’n ang pagpapaalala na ‘wag nang uulitin ang kasalanan.
So, du’n na tumigil si Jomari sa underground drag racing hanggang kinuha na nga siya ng Toyota at ginawang professional car racer at inilaban pa sa mga competitions abroad.
Kaya naman to give back sa mga katulad niyang passion ang car racing, naisipan ni Jomari at ng partner niyang si Rikki Dy-Liacco na ibalik ang Motorsport Carnivale nang sa gayun ay magkaroon ng venue ang mga mahilig sa car racing sa legal na paraan, kung saan ang advocacy nila ay makapagturo ng road safety at discipline sa mga car racing enthusiasts.
Gusto rin nilang makilala ang big event na ito globally kaya mas malaki raw at mas maraming categories ang puwedeng salihan ng mga kalahok sa Motorsport Carnivale this year kumpara nu’ng 2023.
Magsisimula ang Motorsport Carnivale sa Super Sprint category, 6 AM to 6 PM on Sunday, May 4, na puwedeng salihan ng mga amateur car racers.
Sa May 31 naman sa Jom’s Cup, an 1.8 mile drag racing challenge ang gaganapin sa Boardwalk and Gardens ng Okada Manila kung saan mas advanced at exciting ang laban sa Super Car, Muscle Car and Vintage categories.
May special EV car showcase rin with guest celebrities na puwedeng mapanood nang live at sa livestream ng mga fans ng car racing.
Tinanong namin si Jom kung sino sa mga international car racers ang gusto niyang i-invite sa kanilang Motorsport Carnivale kung sakali para mas makilala ito globally at sagot niya, si Vin Diesel ng sikat na Fast and Furious movie series.
Ohhh, why not? Super bongga ‘yun ‘pag nagkataon.
Samantala, nabanggit din ni Jomari na gusto ring sumali ng kanyang wifey na si Abby Viduya sa Motorsport Carnivale 2025 at first time gagawin ng tumatakbong konsehala sa 1st District ng Parañaque ito.
So, ‘di lang tumatakbo sa pulitika si Abby, magpapatakbo rin ng kotseng pangarera!
Todo-sigaw na ipaglalaban ang karapatan ng mga Pinoy bilang senador… NETIZENS KAY IPE; UNAHIN MONG IPAGLABAN ANG KARAPATAN MO KAY JOSHUA
Maraming bumilib kina Sen. Robin Padilla, Sen. Bong Go at senatoriable Phillip Salvador na despite their super busy sa campaign, nagawa pa rin nilang maglaan ng panahon para sa libing ng Superstar at National Artist na si Nora Aunor.
Kaya naman natuwa ang mga Noranians sa pagpapahalagang ibinigay ng tatlo na nagpapakita lang daw ng kanilang respeto sa Superstar.
Si Sen. Robin ay naging close kay Ate Guy nu’ng buhay pa ang kanyang discoverer na si Deo Fajardo, ayon sa isa sa mga closest sa Superstar na si Tita Mercy Lejarde.
Si Sen. Bong Go ay kilalang movie fan at for sure, may mga movies din si Ate Guy na napanood niya.
Habang si Phillip, ilang beses nang nakasama sa movie ng Superstar at kung ‘di kami nagkakamali ay naging karelasyon pa nga niya noon.
Kaya lang, disappointed ang ilang netizens at tipong binara si Kuya Ipe sa isinisigaw niya sa kanyang mga kampanya na ipaglalaban daw niya ang karapatan ng mga Pilipino kaya gusto niyang manalong senador.
Sigaw ng mga netizens, “Phillip, unahin mo munang ipaglaban ang karapatan mo sa anak mo kay Kris Aquino na si Joshua, bago ang karapatan naming mga Pilipino!”
Aguy, sunog!!!
Baka mapilipit ang dila o utak?
AKTOR-PULITIKO, TODO-PAKIUSAP SA MAG-IINTERBYU NA ‘WAG LALIMAN ANG TANONG
BLIND ITEM:
TAWANG-TAWA naman kami sa kuwento ng isang kasamahang writer na nu’ng mag-file raw ng candidacy ang isang aktor na tumatakbo ngayong 2025 midterm-elections ay nagpaunlak ito ng panayam sa ilang kaibigang press people.
Kaya lang ang siste, may pakiusap agad ang aktor sa mga mag-iinterbyu sa kanya, “‘Wag n’yong laliman ang mga tanong, ha?”
Naku po! Sa interview pa lang, takot na ang aktor, pa’no pa siya magiging kapaki-pakinabang sa posisyong tina-target niya sakaling manalo siya?
Baka magkandapili-pilipit ang dila at pati utak niya sa pag-iisip ng mga batas. Wahahahahaha!