Dream come true raw dahil fan ng aktres at ni John Lloyd… ALDEN AT BEA, MAGSASAMA SA MOVIE
- BULGAR

- Dec 15, 2020
- 2 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | December 15, 2020

Para sa mga fans ni Alden Richards, advance birthday gift sa kanya ang pagtatambal nila sa pelikula ni Bea Alonzo. Birthday kasi ni Alden sa January 2, kaya inunahan na ng mga fans si Alden, early birthday gift daw sa kanya ang katuparan ng isa sa mga pangarap niya at ito ay ang makasama sa pelikula ang isa sa fave actresses niya.
Co-produced ng Viva Films at GMA Pictures ang pelikulang A Moment To Remember na adaptation ng Korean movie at pinagbidahan nina Son Ye Jin at Jung Woo Sung.
Sabi ng mga fans ni Alden, adaptation naman ito ng Japanese TV drama na Pure Soul at ngayon, gagawin din ng Pilipinas.
Lalong nagpa-excite sa mga fans nina Alden at Bea na ang lead actress sa Korean movie ay si Son Ye Jin, ang leading lady sa hit Korean drama na Crash Landing On You. Kaya nga ang reaction ng mga fans, simulan na ang shooting.
Pero, sa January, 2021 na raw sisimulan ang principal photography ng movie to be directed by Nuel Naval, the same director ng Miracle in Cell No. 7.
May mga nababasa na kaming nega comments hindi pa man nasisimulan ang shooting ng Bea-Alden movie. Hindi raw bagay magkatambal ang dalawa, hindi raw kakayanin ni Alden ang role na gagampanan.
Payo ng mga fans nito sa mga nagdududa, panoorin muna ang pelikula bago mag-comment at ipinaalalang mahusay na aktor si Alden at lahat ng roles, kaya nitong gampanan.
Aminado si Alden na fan siya nina Bea at John Lloyd Cruz at pinangarap na makasama ang dalawa sa pelikula. Movie with Bea pa lang ang natutupad sa pangarap ni Alden, pero tiyak na masayang-masaya na ito.
Speaking of Alden, nasa cloud nine pa siya dahil sa sold-out concert niyang Alden’s Reality: The Virtual Reality Concert. Three timeslots last December 8 and 9 ginawa ang sold-out concert that enabled Alden’s supporters from all over the country at pati sa ibang bansa na masabayan ang kanyang 10th anniversary sa entertainment industry.
Ipinakita sa Alden’s Reality ang future ng concert shows when it combined cutting-edge technology and performances to produce a full-length concert and immersive interaction with their idol right from the comforts of their homes.





Comments