top of page
BIDA - XIAN GAZA, SOBRANG LIBELOUS ANG PANINIRA KAY ALDEN, NAGTATAGO SA THAILAND_FB Christ

Drayber, pagod kaya pinalitan... Pahinante nagmaneho ng trak, sumalpok sa mga bahay at motor, todas

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 7
1 min read

ni Levi Gonzales @News | September 7, 2026



Drayber, pagod kaya pinalitan... Pahinante nagmaneho ng trak, sumalpok sa mga bahay at motor, todas

Photo: File



Nasawi ang 40-anyos na pahinante matapos sumalpok ang minamanehong trak sa mga bahay at nakaparadang motorsiklo sa National Road, Sitio Marikit, Brgy. Ibabang Palsabangon, Pagbilao, Quezon.


Alas-4:41 ng madaling-araw nang mawalan ng kontrol ang trak na biyaheng Antipolo, Rizal patungong Cebu City at bumangga sa tatlong bahay at limang motorsiklo.


Nasawi ang drayber na si alyas Rod, 40, matapos tamaan ng bahagi ng kahoy mula sa isa sa mga bahay na tumagos sa kanyang kaliwang braso hanggang sa bahagi ng kanyang leeg kung saan agad siyang binawian ng buhay.


Inamin ni “Rod” na hindi siya ang awtorisadong magmaneho ng trak. Aniya, siya ang pumalit sa orihinal na drayber na pagod na sa mahabang biyahe, ngunit nakatulog umano siya habang nagmamaneho dahilan upang mawalan ng kontrol sa sasakyan. 


Samantala, hindi nasaktan ang limang residente na may-ari ng mga bahay at motorsiklo, gayundin ang 28-anyos na drayber ng trak.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page