Drayber, nakatulog... Polish bus bumagsak sa kanal, 12 patay, 47 sugatan
- BULGAR

- 32 minutes ago
- 1 min read
ni Justine Berganio @Overseas News | August 18, 2026

Photo: Makikita ang wreckage ng Polish tourist bus matapos ang aksidente at dalhin ito sa courtyard ng highway police. Ferenc Isza-AFP
Patay ang 12 Polish pilgrims habang 47 iba pa ang sugatan matapos mawalan ng kontrol ang sinasakyan nilang bus at bumagsak at tumaob sa sa Hungary nitong Linggo.
Naganap ang aksidente ala-1 ng madaling-araw sa M3 motorway, isang pangunahing highway na nag-uugnay sa Budapest at Nyíregyháza sa northeastern Hungary.
Ayon sa pulisya, posibleng nakatulog ang driver kaya lumihis ang bus sa kalsada bago tuluyang tumagilid. Kasunod nito, isinailalim sa kustodiya ang driver habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
May 59 katao sa bus, kabilang ang 57 pasahero at dalawang driver. 35 sa mga sakay ang unang nailigtas ng mga bumbero, habang isinagawa ang operasyon para mailabas ang mga naipit sa ilalim ng 24-toneladang sasakyan.
Sa tala ng Hungarian ambulance service, isa ang nagtamo ng life-threatening injuries, siyam ang malubhang nasugatan at 37 naman ang nagtamo ng minor injuries.
Galing Bosnia and Herzegovina ang bus at pauwi na sa Poland ang mga pilgrim mula sa Podkarpacie, ang pinakatimog na rehiyon ng bansa.
Nagpaabot ng pakikiramay ang Hungarian Prime Minister na si Péter Magyar sa mga pamilya ng nasawi at hiniling ang mabilis na paggaling ng mga sugatan.
Nagpahayag din ng pakikiramay si Polish Prime Minister Donald Tusk at nagpasya umanong magpadala ng espesyal na eroplano na may dalang mga opisyal ng foreign ministry at medical personnel upang tumulong sa mga apektadong Polish nationals.
Samantala, sinabi ng Polish Foreign Minister na si Radosław Sikorski na sinimulan na ng Hungarian police ang imbestigasyon sa driver kaugnay ng malagim na aksidente.





Comments