Dragons, humirit ng Game 7, Powell, gumana
ni Clyde Mariano @Sports | January 12, 2023

Pinalundag sa tuwa ng Bay Area Dragons ang kanilang coach na si Brian Goorjian nang magmintis ang tangkang 3 puntos sa huling .07.04 segundo ni Japeth Aguilar mula sa pasa ni LA Tenorio para kunin ang panalo sa Game 6 kagabi, 87-84 kontra Kings sa PBA Commissioner's Cup final sa Smart Araneta Coliseum.
Naipatas pa ang Ginebra Gin Kings ang iskor sa unang bahagi ng 4th quarter mula sa 3 puntos na pagkaiwan para idikit ang mainit na bakbakan sa Big Dome na sinaksihan ng 22,264 na manonoood na pinagbidahan ni Myles Powell na hindi binigo ang team na kunin ang panalo sa Game 6.
Inagaw ng Ginebra ang lamang 72-66 behind 8-0 run pinamunuan ni Justin Brownlee.
Subalit bigo si coach Tim Cone na kunin agad ang pang-26th na PBA title sa lungkot ng mga die-hard Ginebra fans.
Kinontrol ng Bay Area ang unang 24 na minuto nang lumamang ng 11 puntos, 46-35, tungo sa half time lead sa tikas ng nagbabalik sa laro na import na si NBA veteran Powell na namuno sa atake ng guest team.
Umiskor sina Powell at Hayden Joel Blankley tig-14 points sa Bay Area Dragons bago ito itinanghal na Best Player of the Game at humakot ang guest team ng 25 rebounds kasama ang 7 rebounds ni Reid Duncan, 15 assists, at tatlong steals kumpara sa 22 rebounds ng Ginebra.
Pinabalik ni coach Brian Goorjian si Powell kapalit ni Andrew Nicholson nagkaroon injury sa kaliwang paa sa Game 4 na napanalunan ng guest team at naitabla ang serye sa 2-all.
Nag-isang lumaban si Justin Brownlee at ang kanyang mga kasamahan na hindi makaiskor sa mahigpit na bantay ng Bay Area. Tumipa ang 34 years old resident American import na taga-Georgia ng 16 points, seven at five rebounds.
Gaganapin ang do-or-die Game 7 sa Philippine Arena sa Linggo, Enero 15 ng 5:45 p.m.





Comments