top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Dr. Ong, may sama ng loob kay Yorme Isko

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 23, 2022
  • 1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 23, 2022



KASINUNGALINGAN ANG SINABI NI P-DUTERTE NA WALA SIYANG KASONG KATIWALIAN NOONG MAYOR PA SIYA NG DAVAO--Sablay ang pagtalaga ni P-Duterte kay former Davao City Hall accountant Rizalina Justol bilang bagong chairman ng Commission on Audit (COA).


Dahil sa pag-appoint ni P-Duterte kay Justol ay nabulgar na kasinungalingan ang sinabi ng pangulo na sa tagal niyang naging mayor ng Davao City ay hindi siya nasangkot o nakasuhan na may kaugnayan sa katiwalian.


Isang araw matapos ihayag ng Malacañang na si Justol na ang bagong COA chairman, lumabas ang balita na si Justol at si P-Duterte ay may kaso umanong P2.93 billion malversation of public funds noong 2010, boom!

◘◘◘


LATE ANG PANAWAGAN NG UP-SCHOOL OF STATISTICS--Nanawagan sa publiko ang mga propesor ng UP-University of the Philippines) School of Statistics na huwag maniwala sa mga survey dahil sa ginawa nilang pagsusuri ay minamanobra ng mga survey firms ang resulta ng survey.


Masyado namang late mag-anunsiyo ang UP-School of Statistics kasi noong 2016 pa lang ay alam na ng mamamayan na fake ang mga survey, period!



◘◘◘


MAY DAHILAN SI DR. ONG NA SUMAMA ANG LOOB KASI MISTULAN SIYANG INILALAGLAG NI YORME--Nagpahayag ng sama ng loob si vice-presidential candidate Dr. Willie Ong sa lumulutang na tandem na Mayor Isko Moreno-Mayor Sara Duterte, at lalo pang sumama ang loob niya nang maitsapuwersa siya sa political rally ni Yorme sa Maguindanao.


May dahilan naman talaga si Dr. Ong na sumama ang loob kasi siya ang katandem ni Isko, tapos naiitsapuwersa siya sa mga political rally ni Yorme, tsk-tsk-tsk!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page