top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

DQ sa mga pasaway na kandidato, ilabas na

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 17, 2023
1 min read

@Editorial | October 17, 2023


Ngayong linggo inaasahang mareresolba na ang mga disqualification cases na nakahain laban sa mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).


Ayon sa Commission on Elections (Comelec), umabot na sa 125 ang mga disqualification cases na hawak nila at nangako na maglalabasan na ang mga desisyon sa mga ito.


Kung hindi naman makakapagdesisyon sa isang kaso bago ang araw ng halalan dahil sa kakapusan ng panahon, may kapangyarihan ang Comelec para suspendihin ang proklamasyon ng isang kandidato na may nakabinbin na disqualification case.


Tiniyak naman na hindi magkakaroon ng kawalan ng liderato sa isang barangay kung hindi pa mapoproklama ang mananalong kandidato dahil sa maaaring pansamantalang humalili ang number 1 na kagawad.


Sana ay matapos nga ang desisyon ngayong linggo para hindi na makigulo ang mga kandidatong pasaway sa mismong kampanya.


Kung makalusot man sa Comelec ang mga matitigas ang ulo at kapalmuks na kandidato, nasa kamay ng mga botante ang kanilang kalalagyan -- huwag iboto.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page