"Double the help, double the hope for every Pasigueño"... Ate Sarah at Kuya Curlee: Panata para sa tao, hindi sa bulsa
- BULGAR
- 13 hours ago
- 2 min read
ni Chit Luna @News | May 3, 2025
Pasig City – Sa kanyang pagsabak sa pulitika, ipinakita ni Ate Sarah Discaya ang kanyang hindi matitinag na paninindigan para sa serbisyo publiko.
Kung sakaling mahalal bilang alkalde ng Pasig, ipinangako niya na hindi tatanggapin ang kanyang buwanang sahod. Sa halip, ang kanyang sahod ay buong-buo niyang ibibigay sa mga charitable foundations na tumutulong sa mga bata, PWDs, matatanda, ulila, at mga kapus-palad sa lungsod.
Hindi rin nag-iisa si Ate Sarah sa misyon na ito. Kasama niya ang kanyang asawa at katuwang sa serbisyo, si Kuya Curlee, na maglalaan din mula sa sariling bulsa upang tiyakin na ang mga tulong na ipamamahagi ay makararating sa tamang benepisyaryo.
Ang prinsipyo nila ay simple ngunit makapangyarihan: "Double the help, double the hope for every Pasigueño."
"Babawiin po namin, pero hindi sa paraang iniisip ng iba," ani Ate Sarah, tumutukoy sa kanilang pangako ng hindi pagtanggap ng suweldo.
Ayon sa kanya, hindi nila babawiin ang ginastos sa pamamagitan ng salapi o kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti at pagkakaroon ng malasakit sa bawat Pasigueño. Ang kanilang "yaman" ay makikita sa mga ngiti ng mga taong natulungan at sa mga pagbabago sa buhay ng mga pamilya.
Ang mag-asawa ay naniniwala na ang tunay na yaman ay hindi nasusukat sa materyal na bagay, kundi sa kabutihang naipamahagi. “Hindi pera ang aming babawiin, kundi ang kaligayahang hindi kayang bilhin at ang kapayapaan ng paglilingkod,” dagdag ni Kuya Curlee.
Para sa kanila, ang paglilingkod ay hindi lang tungkol sa pamumuno kundi ang pagpapalaganap ng pag-asa at pagmamahal sa bawat komunidad.
Kasama sa kanilang plataporma ang mga programang nakatuon sa kalusugan, edukasyon, at mga pagkakataon para sa kabataan.
Ang mag-asawa ay matagal nang advocates ng sports development at youth empowerment, at ipagpapatuloy nila ang pagsuporta sa mga programang makikinabang ang mga batang Pasigueño.
Sa kabila ng mga hamon at kahirapan sa pulitika, nagsisilbing gabay ni Ate Sarah ay malasakit sa mga mamamayan ng Pasig. Ang kanyang pagtakbo ay hindi para sa pansariling interes, kundi para sa ikabubuti ng buong komunidad, lalo na ng mga mahihirap at nangangailangan.
Comments