top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Double Rock, largang petmalu sa Race 23

BULGAR
Apr 12, 2022
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | April 12, 2022


Impresibo ang ipinakitang takbo ni Double Rock kaya naman bumilib lalo ang kanyang mga tagahanga nang manalo sa Condition Race (23) noong Linggo ng hapon sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.


Nirendahan ni FS Parlocha, pumuwesto sa bandang likuran si Double Rock sa largahan kaya bahagyang kinabahan ang mga kareristang nakataya sa nasabing kabayo.


Pinanood muna ni Parloch ang nangungunang si Sweetness at habang lumalapit sa far turn ay unti-unti nitong pinapausad si Double Rock.


Bandang hometurn, nasilayan ng mga karerista ang malakas na pagremate ni Double Rock at sa huling 200 metro ng laban ay nakuha na nito ang unahan.


"Ang galing sobra ni Double Rock, ang layong nanalo, sinisiw niya mga nakalaban," saad ni Edgardo Villahermosa.


Inilista ni Double Rock ang tiyempong 1:23 minuto sa 1,300 meter race sapat upang hamigin ang added prize na P20,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Pumangalawa si Lion's Gate, habang tersero at pang-apat tumawid sa meta sina Oakhill Princess at Konzeelanz ayon sa pagkakasunod.


Samantala, nagpakitang-gilas din si Skyscraper matapos manalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na nilarga sa pangalawang karera.


Sinakyan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jessie Guce, inirehistro ni Skyscraper ang 1:21.4 sa 1,300 meter race.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page