Donny, ‘di feel makatambal, Belle… “BAKA PATAYIN NA AKO NG DONBELLE FANS” — SHUVEE
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 31, 2026

Photo: DoIG / Shuvee Etrata
Mismong si Shuvee Etrata ay nagtataka rin sa sarili niya kung bakit kinikilig pa rin siya hanggang ngayon kapag nakikita ang long-time crush na si Donny Pangilinan.
“‘Di ko alam kung bakit ako kinikilig, ang tagal-tagal naman na,” aniya sa panayam ni Ogie Diaz.
“Naiinis na rin ako sa sarili ko. ‘Di na dapat ako ganu’n, artista na rin ako, ‘di ba? Pang-ano ba?” dagdag niya.
Pero siguro raw, kapag nakikita niya si Donny ay bumabalik ang panahong hindi pa siya artista at fan lang siya ng aktor.
“‘Pag nand’yan talaga s’ya, naaalala ko ‘yung mga moments, Mama Ogs, na feeling ko, ‘di ako magiging artista. ‘Yung akala ko, magiging fan lang ako forever,” aniya.
Bina-bash kasi ngayon si Shuvee ng DonBelle fans dahil sa lumabas na video kung saan nagkita sila ni Donny sa isang party at kitang-kita na halos mamilipit siya sa kilig nang makita ang aktor.
Kuwento ng Sparkle artist, nang pumunta siya sa nasabing party ay hindi niya alam na makikita roon si Donny.
“Kaya ganu’n na lang po ‘yung reaction ko. Actually, ‘di ko napanood ‘yung video. Ang nagsabi sa akin, si Donny. Sabi, ‘Uy, viral na naman tayo.’
“Sabi ko, ‘Ha? Ano’ng nangyari? May kasalanan na naman ba akong ginawa?’ ‘Pag ganu’n, ‘pag viral, naaaning ako,” sey ni Shuvee.
Nang matanong kung open ba siya na pagtambalin sila ni Donny, sagot niya, “Baka patayin na ako ng DonBelle fans, Mama Ogs.”
Matatandaang nag-sorry na si Shuvee sa mga fans nina Belle Mariano at Donny nang ma-interview siya ng press kamakailan, at inulit niya ito sa panayam ni Ogie.
“I’m also a DonBelle fan po, sorry, ‘wag n’yo po sana akong i-crucify. Crush lang po talaga,” sambit niya.
Samantala, nagsalita na rin si Donny Pangilinan tungkol sa viral video sa pamamagitan ng kanyang X (dating Twitter) account at nakiusap sa mga fans na itigil na ang pagpapakalat ng hate. Umapela rin siya na huwag idamay sa isyu si Belle Mariano.
PROUD na ifinlex ni Alexa Ilacad ang latest achievement niya, ang pagsisimula ng construction ng kanyang holiday home.
Makikita sa Instagram (IG) post ng aktres ang video ng groundbreaking ceremony na kasabay ng kanyang kaarawan noong Pebrero.
“Another milestone happened last month, on the day of my birthday. We broke ground on my future holiday home. It’s my home away from home, my chill space far from the noise and closer to family,” caption ni Alexa.
Makikita sa tarpaulin na isang malaking two-storey house ang kanyang ipapatayo na pinangalanan niyang La Alexandra.
Sa comment section ay dumagsa ang pagbati mula sa mga fans at mga kapwa celebrities tulad nina Barbie Imperial, Rufa Mae Quinto, Vina Morales, Bianca Gonzalez, Mica Salamanca, Michael Sager, at Cassy Legaspi.
Congratulations, Alexa Ilacad!




Comments