Donita Nose, itinakbo sa ospital dahil sa pneumonia
- BULGAR

- Jul 25, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | July 25, 2020

Itinakbo sa St. Luke’s Medical Center ang comedian na si Donita Nose o Rodello Juntos Solano, dahil sa pneumonia at pinaniniwalaang sintomas ito ng COVID-19.
Sa isang vlog na kanyang ipinost sa Facebook, makikitang nasa emergency section siya ng ospital habang naka-isolated.
Sa unang bahagi ng video, nagpasalamat si Donita Nose sa mga agad tumulong sa kanya lalo na ang comedian at ‘Wowowin’ host na si Willie Revillame.
Ayon kay Donita Nose, inoobserba naman niya ang mga safety protocols sa tuwing lalabas ng bahay subalit, tinamaan pa rin siya ng pneumonia.
May mga sintomas na flu o tulad ng lagnat, mahirap na paghinga, cough at matinding respiratory problems gaya ng pneumonia, ang tinatamaan ng coronavirus disease o covid 19, subalit, may mga pasyenteng nagpopositibo sa sakit kahit pa walang mga symptoms nito.
Nagpahayag naman ng mensahe ang kanyang mga fans at kaibigan ng pag-aalala gayundin, patuloy ang kanilang pagdarasal ng mabilis niyang recovery.





Comments