top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

‘Donasyong sasakyan’ ng asawa sa kabit nito, puwedeng bawiin ng tunay na asawa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 14, 2020
  • 1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | August 14, 2020



Dear Chief Acosta,


Gumawa ng Deed of Donation ang asawa ko at ibinigay niya sa kanyang karelasyon na babae ang isa sa aming mga sasakyan. Tinanggap ito ng babae sa pamamagitan ng isa ring kasulatan. Dahil dito, nagsampa ako ng kasong concubinage laban sa kanila at sila ay napatunayang nagkasala. Nais kong malaman kung may bisa ba ang donasyon ng aming sasakyan? – Amber


Dear Amber,


Sa Article 725 ng New Civil Code of the Philippines, ipinaliwanag ang kahulugan ng donation. Ayon sa nasabing artikulo:


“Art. 725. Donation is an act of liberality whereby a person disposes gratuitously of a thing or right in favor of another, who accepts it.”
 Ayon naman sa Article 739 ng parehong batas:
“Art. 739. The following donations shall be void:
1. Those made between persons who were guilty of adultery or concubinage at the time of the donation; xxx.”

Samakatwid, walang bisa ang donasyon na ginawa ng inyong asawa sa kanyang karelasyon sapagkat napatunayan sa hukuman na sila ay nagkasala sa kasong concubinage. Dahil dito, maaari ninyong mabawi ang sasakyan na ibinigay ng inyong asawa sa kanyang karelasyon.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page