top of page
Search
  • BULGAR

Donald Trump, kinasuhan ng rape

ni Jenny Albason (OJT) | April 28, 2023




Inakusahan ng isang manunulat ang dating US President na si Donald Trump dahil sa umano’y panghahalay na ginawa sa kanya tatlong dekada na ang nakalilipas.


Si Carroll, 79, ay nagdemanda kay Trump at sinasabing siya ay ginawan ng kahalayan sa isang changing room sa luxury Bergdorf Goodman department store sa Manhattan noong kalagitnaan ng 1990s.


Sinisiraan din umano siya ni Trump nang ihayag niya ang mga paratang pagkaraan ng ilang taon.


Ilang beses na itinanggi ni Trump ang mga paratang sa kanya at hanggang ngayon ay hindi pa rin inaaresto ang dating Presidente.


0 comments

Kommentarer


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page