top of page

Donaire, tiwalang kaya pang makipagsabayan sa mas bata

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 2, 2023
  • 2 min read

ni Gerard Arce @Sports | August 2, 2023



Tiwala si four division World champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire na kaya niya pang makipagsabayan sa mga mahuhusay, malalakas at batang boksingero sa bantamweight division kasunod ng panibagong pagkatalo sa pro-career kontra Mexican fighter Alejandro “Peque” Santiago para sa bakanteng World Boxing Council (WBC) bantamweight title na nauwi sa unanimous decision nitong Linggo ng umaga (oras sa Pilipinas) sa 12-round title match sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada sa Amerika.

Wala pang planong isuko ni Donaire ang kanyang karera sa mundo ng boksing kasunod ng nakakadismayang pagkabigo na mariing sinabi ng 40-anyos na tubong Talibon, Bohol na hindi pa siya magreretiro dahil marami pa itong natitirang lakas para sumabak, subalit aminado itong hindi niya nagawang masunod ang kanilang game plan, gayundin ang pamatay na knockout punch kontra sa makunat at matibay na si Santiago (28-3-5, 14KOs).


I say hell no to that!” bulalas ni Donaire sa panayam ni Jim Gray pagkatapos ng laban. “I just trying to counter so much and his trying to put too much power to it and as everybody in the corner tell me to calm down and try the jab, and that’s how we practice, but there’s a remnant to fight like a warrior and that’s what I did and something that we didn’t train.”


Nabigong pahangain ni Donaire (42-8, 28KO) ang tatlong hurado na sina Max De Luca (113-115), Chris Migliore (112-116) at Steve Weisfeld (112-116) na pinaboran lahat ang mas batang Mexican boxer na nagpamalas ng agresibong atake sa dami ng inilabas na suntok upang makuha ang kanyang ikaapat na sunod na panalo at makuha ang kauna-unahang titulo matapos mabigong maagaw ang IBF super-flyweight title kay Jerwin “Pretty Boy” Ancajas nung Setyembre 2019 na nagtapos sa tabla.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page