Don Julio, tiyak na 'di pagpapawisan sa Turf
ni Green Lantern - @Renda at Latigo |October 2, 2022
Markado si Don Julio sa magaganap na 2022 PHILRACOM Klub Don Juan De Manila Cup na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.
Tiyak na bakbakan ang masisilayan ng mga karerista dahil sa premyong nakalaan para sa mananalong kabayo.
May distansiyang 1,800 meter race, nakalaan ang guaranteed prize na P1-M na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa finish line.
Maliban kay Don Julio, ang ibang kalahok ay sina Declare For Flare, Kaboom, Speed Fantasy, Marilag at Calamian Island.
Hahamigin ng mananalong kabayo ang P600,000, ibubulsa ng second placer ang P225,000 habang tig- P125,000 at P50,000 ang third at fourth ayon sa pagkakasunod.
Susungkitin ng breeder na winning horse ang P50,000, tig- P30,000 at P20,000 ang second at third sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Ayon sa mga karerista na nagkomento sa social media, posibleng maging mahigpit na kalaban ni Don Julio ang magka-kuwadrang Declare For Flare at Speed Fantasy.
Samantala, may 13 karera ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kahapon.
Mga Tip ni Green Lantern:
Race 1 - Love Radio, Lake Balinsasayao
Race 2 - Spandau Ballet, Namayan
Race 3 - Red Sole, Saoirse, Aroma
Race 4 - Skyscraper, Antonio Delamugis, Jawo
Race 5 - Mommy Caring, Tony's Love
Race 6 - Manang Biday, Ava's Tale
Race 7 - Don Julio, Calamian Island
Race 8 - My Dad Bogart, Colony Bell, Hook The Hustler
Race 9 - Queen Louise/Princess Mavee, Viva Forever, Prime Time Magic
Race 10 - Bishop Blue, Hot Legs
Race 11 - Kaka And Bachi, Palibhasa Lalake
Race 12 - Elegant Lady, Calbayog
Race 13 - KeyNote Speaker, Hee Nieve Rahh, Dambana





Comments