top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

‘Domino effect’ ng toll at oil price hike, nagbabadya

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 5, 2023
1 min read

@Editorial | November 5, 2023


May paramdam ng taas-singil sa pamasahe sa bus.


Kaugnay ito sa plano ng grupo ng provincial bus operators na maghain ng petisyon para taasan ang singil sa pamasahe kasunod ng mga serye ng toll hike sa expressway at oil price hike.

Ayon sa Provincial Bus Operators Association of the Philippines, ang singil sa toll fee ay tumaas ng 10% sa mga ruta papasok sa National Capital Region mula sa mga probinsya gayundin ang ilang interregional at interprovincial routes subalit ang pangunahin umanong nagagastos sa operasyon ay para sa produktong petrolyo na katumbas ng 10 hanggang 50% ng operating cost.

Kapag pumalo pa umano sa mahigit P70 ang kada litro ng diesel na kalimitang ginagamit ng mga pampublikong sasakyan ay magbubunsod na ito ng petisyon para sa taas-pasahe dahil ang lahat ng mga bus na nag-o-operate sa buong bansa ay maaapektuhan. Ito na ang simula ng tinatawag nating ‘domino effect’. Mula sa taas-singil sa toll, pagsirit ng presyo ng petrolyo, sapul ang mga biyahero at nagnenegosyo, saka maaapektuhan ang serbisyo at mga produkto.

Matatandaang noong Setyembre ng nakalipas na taon nang huling aprubahan ng LTFRB ang taas-pasahe para sa mga provincial buses gayundin sa iba pang pampublikong sasakyan.


Nauunawaan natin ang mga direktang naaapektuhan ng mga nangyayaring pagtaas sa presyo ng gas at iba pang singilin, kaya malaking bagay kung nagagawan ito ng paraan ng kinauukulan.


Kailangang mag-isip ng mas marami pang alternatibong solusyon para makasabay sa mga pangyayari na sinasabing hindi natin kontrolado.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page