Dominic, ayaw na raw magpaka-martir… SIGAW NG NETIZENS: BEA, WALANG TUMATAGAL NA BF!
- BULGAR
- Feb 7, 2024
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | February 7, 2024

Binigyang-kahulugan ng mga netizens ang cryptic post ng road manger ni Bea Alonzo sa socmed.
Para sa mga netizens, ang fiancè ni Bea na si Dominic Roque ang tinutukoy ng road manager ng aktres sa isang thread sa socmed about a ‘manipulative boi.’
Post ng road manager ni Bea na si Nina G. Ferrer sa kanyang Instagram, “Manipulative sad boi.”
Kasama sa cryptic post ng road manager ni Bea ang kahulugan ng ‘manipulative sad boi.’
Ibig sabihin daw nito ay "any guy who’ll try to convince someone that they’re the victim of the situation."
Nag-react ang mga netizens, “Manipulative in what way? As in gusto lahat, siya ang masusunod? Kahit wala siyang pera, as in gusto niya, siya ang boss?”
“Manipulative, as in siya ang may kasalanan, tapos may gana pang mag-sad boi effect. Si Bea, quiet lang kahit walang engagement, wala naman siyang ipino-post na pa-sad girl effect.”
“Classic parinig from 1 team then 'di ika-clarify kahit mag-assume na fans nila.”
“Siyempre, 'yung lalaki lagi ang masama, tapos ang bida is si Ante.”
After a long silence sa kampo ni Bea, at least, may naglabas na ng ganyan.
Unti-unti na tuloy lumilinaw ang isyu ng hiwalayan sa engaged couple na sina Bea at Dominic.
Say pa ng netizens, “Confirmed, hiwalay na nga!”
“And the plot thickens, hahaha!”
Sad naman ang ibang netizens for Bea.
“Na-gas light na naman?”
“Gaslighting 'yang definition na ganyan, iba na pala ang tawag, specific na sa 'boi'."
“Ayan na! Kaya Bea it's right decision!”
At the same time, may mga nanisi rin kay Bea kaya siya nahihiwalay sa karelasyon.
“Trot. It looks like siya (Bea) pala ang gaslighter. No wonder walang tumagal sa kanya. Most of her relationships are short-lived. 'Yung mga exes niya has a history of longer relationships.”
“Si Bea lang ba ang umayaw? At this point, natauhan na si Dom. Ayaw na niya magpaka-martyr.”
“Sabi ni Bea dati, 'Dom is a very good guy… he really is a very good guy.' Ano'ng nangyari?”





Comments