top of page

Domingo, may 'hinanakit' sa Cool Smashers kaya umalis

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 2, 2024
  • 2 min read

ni G. Arce @Sports | February 2, 2024




Ibinunyag ni 2022 Invitational Conference Finals MVP Celine “Ced” Domingo ang katotohanan sa pag-alis sa seven-time champion na Creamline Cool Smashers kasunod ng mabigat na emosyong dinadala sa koponan na kabilang ang tuluyang paglipat sa Akari Chargers para sa susunod na bagong season ng Premier Volleyball League simula Pebrero 20.


Ilang taon na umanong may "itinatagong sama ng loob" ang dating FEU  Lady Tamaraws middle blocker na pilit na dinadala kasama ang koponan upang manatiling maganda ang samahan na nagresulta sa ilang kampeonato sa pro-league.


“The truth is, I’ve been trying to be professional for so long. I mean, it’s easy for everyone to say that, pero you won’t really understand what I’ve been through unless you’ve experienced this,” pahayag ni Domingo sa kanyang Kumu Live Session na unti-unti nilang inilabas sa social media, kung saan nanatiling sarado ang mga bibig ng 5-foot-9 middle blocker sa lahat ng isyu na nakapalibot sa kanya upang hindi madamay ang mga kakampi sa Cool Smashers.


Everyone had no idea that I keep my mouth shut ever since, kase nga, I’ve been trying to be professional. At that time kaya di rin ako nagsasalita, I was so hurting inside, I was also protecting my team, kung ano-ano yun, na ayoko ng palakihin pa na kapag nagsalita ako nu'ng mga time na 'yun lagi siyang pag-uusapan.”


Ayaw na lamang banggitin pa ng 2-time PVL Best Middle Blocker ang mga personalidad na naging dahilan umano nito lalo pa’t may kinalaman ito sa kanyang personal na buhay na hindi nalalayo sa kanyang mga kaibigan at kakampi sa Cool Smashers. 


So I just chose to hurt all by myself, honestly di ko nalaman agad-agad, parang napagtagpi-tagpi ko lang, they didn’t told about it, so I found out na lang sa social media lang,” saad ng middle defender na kasalukuyang naglalaro pa sa Nakhon Ratchasima QminC sa Thailand League. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page