top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Dominado ang Bulacan at Lady Battalion sa NBL/WNBL

BULGAR
Mar 22, 2022
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | March 22, 2022




Nagtala ng bagong marka ang numero unong DF Bulacan Republicans at apat na sunod ang kanilang panalo matapos patahimikin ang bisitang Paranaque Aces, 88-77, sa pagpapatuloy ng 2022 National Basketball League (NBL) President’s Cup handog ng FSD Insurance at Converge Linggo ng gabi sa Bulacan Capitol Gymnasium. Sa unang laro, nagtrabaho ng todo ang Las Pinas Lodis upang makatakas sa Laguna Pistons, 103-101.

Nagsumite ng mahigit tig-14 puntos ang first five ng Republicans sa pangunguna nina Marlon Monte na may 21 at Krooberg Best Player Joseph Celso na may 16 puntos. Hinigitan ng Bulacan ang tatlong sunod na tagumpay upang buksan ang 2021 Chairman’s Cup.

Dominado ng Republicans ang laban subalit nagawa ng Aces na lumapit, 67-73, subalit nagising ang Bulacan at itinayo ang pinakamalaking lamang na 84-69. Kahit bigo, ang Paranaque ang unang koponan na nilimitahan ang Republicans sa mas mababa ng 100 puntos.

Kinailangan ng Lodis ang mahalagang buslo ni Elvin Chan upang lumayo na may 21 segundo sa orasan, 103-100. Mula roon ay nagdepensa ng mabuti ang Las Pinas at isang free throw lang ang naisagot ng Laguna.

Piniling Krooberg Best Player si Ivan Villanueva na may walo ng kanyang kabuuang 18 puntos sa 4th quarter. Nanguna sa Lodis si Nano Alvarado na may 22 puntos habang 18 puntos din si Buboy Barnedo.

Sa 2022 Women’s National Basketball League (WNBL), nakibahagi ang Philippine Army Lady Battalion sa liderato matapos gibain ang STAN Quezon Lady Spartan, 68-60. Bumawi ang Go For Gold Navy Lady Sailors at pinabagsak ang PSI Air Force Lady Air Defenders, 68-67.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page