DOH, magdedeklara ng dengue outbreak
ni Angela Fernando @News | August 19, 2024

Nagpahayag si Health Sec. Ted Herbosa nitong Lunes na nakatakda siyang magdeklara ng isang dengue outbreak sa lalong madaling panahon, dahil ang bilang ng mga kaso ng dengue sa bansa ay nasa "outbreak levels" na.
“Magde-declare rin ako ng dengue outbreak kasi based on my conversation with our Epidemiology Bureau director, outbreak levels na ang ating dengue,” saad ni Herbosa.
Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye si Herbosa ukol sa isyu.
Samantala, ayon sa pinakabagong datos ng Department of Health (DOH), tumaas ng 33% ang mga kaso ng dengue sa buong bansa mula 102,374 nu'ng nakaraang taon hanggang 136,161 nu'ng ika-3 ng Agosto.
Mas kaunti naman ang naitalang namatay dahil sa dengue ngayong taon, na umabot sa 364, kumpara sa 401 nu'ng 2023.





Comments