DOH, aminadong may ‘error’ sa datos ng COVID cases
- BULGAR
- Apr 8, 2021
- 1 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | April 08, 2021
Sumasabay ang krisis sa West Philippine Sea sa krisis sa COVID.
Paktaylo!
◘◘◘
WALANG panalo ang Pilipinas sa WPS at maging sa COVID crisis.
Double crisis ini!
◘◘◘
NAGGIGIRIAN na rin ang mga barko de-giyera ng malalaking bansa sa Pacific Ocean.
Kaliwa’t kanan ang digmaan kung sakali!
◘◘◘
SUMUSUGOD na ang mga war armaments ng Russia sa border ng Ukraine.
Ibinabala na ang digmaan sa naturang hanggahan!
◘◘◘
NAGSIMULA ang gulo sa daigdig nang bansagan ni US President Joe Biden si Russian strongman Vladimir Putin na ‘murderer’.
Mahirap talagang maging lider ang ‘ulyanin’!
◘◘◘
MINAMALAS ang U.S. — nagkasunod na pangulo sa White House ay parehong “may banto”.
Huwag sana itong maranasan ng mga Pinoy!
◘◘◘
INAAMIN ng DOH na may “error” ang mga inilabas na datos sa COVID cases sa nagdaang ilang araw.
Kitam, imposible ang mga “datos”—dahil sa “error”!
◘◘◘
MADALING matukoy ang “error” ng mga mathematician.
Ganyan din sa statistics, ang bihasang mathematician ay nakauunawa kung ano ang imposible at alin ang posibleng nararanasan!
◘◘◘
MARAMING estudyante ang kumukuha ng medicine kaysa engineering dahil “hirap sa Math”.
Sa medisina, kailangan mahusay lang ang memorya, pero sa “matematika”, kailangan ang husay sa pag-aanalisa at pagtantiya!
◘◘◘
ANG krisis ay lumalala dahil ang nangangasiwa ay bihasa sa pagmemorya, pero hindi sa pag-kompyut ng datos.
Pero, ang pinakapuno naman—ay bihasa sa “military tactics”.
Invisible ang kalaban sa COVID crisis, kaya’t hindi epektibo ang taktikang pandigmaan na ginagamit natin kontra krisis!
◘◘◘
NAKASANDAL si P-Digong sa payo ng mga tao sa kanyang paligid.
Ilan ba ang mathematician at saykologo sa paligid ni P-Digong?
Posibleng wala.
Mas marami sa kanyang sirkulo ay tsismoso’t tsimosa lang!
◘◘◘
NAMUMUNINI ang mga pusakal sa sugarol.
Isa itong masamang sumpa!
◘◘◘
SANREKWA ang badyet sa kampanya ng mga buwitre.
Kaawa-awang ‘Pinas!





Comments