top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

Doble ang pabuya ‘pag babae ang nakahuli... P1.8M, alok ng Iran sa makakahuli at makakapatay sa sundalo ng US

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 28 minutes ago
  • 1 min read

ni Justine Berganio @World News | August 18, 2026



Iranian Army commander-in-chief Amir Hatami -  Iranian Army-WANA (West Asia News Agency)-Handout via REUTERS

Photo: Iranian Army commander-in-chief Amir Hatami - Iranian Army / WANA / Reuters



Umigting ang tensyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos matapos mag-alok ang Iranian Army ng $30,000 (P1.8M) pabuya para sa sinumang makakahuli at makakapatay ng isang sundalong Amerikano. 


Doble naman ang makukuhang pabuya para sa mga babaeng maglalakas-loob na makagawa ng naturang programa.


“Anyone who kills or captures and hands over an invading American military personnel will receive a reward equivalent to $30,000 or 5 billion tomans from the Islamic Republic of Iran’s Army,” ayon kay Army Chief Amir Hatami.


“Courageous Iranian women who carry out such an action will receive double the reward,” dagdag niya.


Wala namang inilabas na detalye ang Iranian military kung saan maaaring isagawa ang naturang paghuli. Wala rin itong kumpirmasyon na mayroong US ground troops na kasalukuyang nakadeploy sa Iran.


Sa gitna ng tensyon, muling iginiit ni Hatami na dapat umalis ang Estados Unidos sa Middle East at kinuwestiyon ang presensya nito sa Persian Gulf, Gulf of Oman at Strait of Hormuz.


Kabilang sa mga naitalang operasyon ng US sa rehiyon ang rescue mission noong Abril para sa isang Amerikanong piloto na napabagsak ang eroplano.


Ang hakbang ng Iran ay nagdagdag sa tensyon sa pagitan ng dalawang bansa habang nagpapatuloy ang kanilang hidwaan sa rehiyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page