DLSU Lady Spikers champ, perpekto sa 13th crown
- BULGAR

- 4 hours ago
- 2 min read
by Gerard Arce @Sports News | May 10, 2026

Photo: Ang mga individual awardees na sina (mula kaliwa) Shevana Laput-Best Opposite spiker, Amie Provido ng DLSU - Best 1st Middle Blocker, Nina Ytang -2nd Best Middle Blocker, Angel Canino DLSU- Best 2nd Outside Spiker, Shaina Nitura Adamson - MVP/1st Best Outside spiker, Felicity Sagaysay - Best setter, Shaira Jardio - Best Libero at Samantha Cantada- Rookie of the year habang Most Valuable Player si Nitura sa UAAP 88 Women's Volleyball na ginanap kahapon sa MOA Arena, Pasay City. (Reymundo Nillama)
Nakamit ng De La Salle University ang perpektong season upang makamit ang Lucky No. 13 na kampeonato kasunod ng pambihirang triple-double ni dating Rookie/MVP Angel Anne Canino para tuluyang patalsikin ang dating kampeon na National University Lady Bulldogs sa bisa ng 25-22, 25-16, 25-16 straight sets, habang nakumpleto ng NU Bulldogs ang ika-anim na sunod na korona matapos walisin ang Far Eastern University Tamaraws sa iskor na 26-24, 25-22, 25-22, kahapon sa dobleng selebrasyon na tampok sa UAAP season 88 volleyball tournament kahapon sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Tinuldukan ng La Salle ang tatlong taong title drought sa harap ng 17,596 manonood para walisin ang buong season kasunod ng 16-0 rekord sa preliminary round hanggang finals, habang nakabawi sa Lady Bulldogs na tumibag sa kanila noong isang taon.
Nasundan din ng La Salle ang ginawa noong 67th season para kumpletuhin ang dominasyon ngayong season, matapos walisin sa Game One ang NU kasunod na kinubra ni Canino sa 11 puntos, 10 excellent digs at 10 excellent receptions, habang bumida naman sa puntusan si Shevana Laput sa 20 puntos mula sa 14 atake at anim blocks kasama ang walong digs.
Nag-ambag din sina Mary Shane Reterta sa 8pts at 9 receptions, Lilay del Castillo sa walo at Amie Provido sa siyam, gayundin si rookie setter Eshana Nunag sa 17 excellent sets at floor defense ni Lyka De Leon sa 10 digs at 7 receptions.
Nakuntento sa silver medal ang NU Lady Bulldogs matapos pagreynahan ang dalawang nagdaang season, na pinagbidahan ni Vange Alinsug sa 14 puntos at tig-4 na digs at receives, habang sinundan ni Sam Cantada sa 8 pts at 8 receptions, Chams Maaya sa anim at Arah Panique sa pito.





Comments