Dizon, balik-DOTr, Lopez, lipat sa DPWH

ni Mylene Alfonso @News | October 27, 2026

Photo: VInce Dizon at Giovanni Lopez - DPWH- DOTr
Muling pamumunuan ni Vince Dizon ang Department of Transportation (DOTr), habang lilipat naman si Giovanni Lopez sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Inanunsyo ni Presidential Communications Office Secretary Lino Cayetano nitong Lunes, Oktubre 26, ang pagpapalitan ng puwesto ng dalawang opisyal bilang bahagi ng pagpapabilis ng mga reporma sa pamahalaan.
Ayon kay Cayetano, tututukan ni Dizon ang pagpapabuti ng pampublikong transportasyon at serbisyo sa mga komyuter, habang ipagpapatuloy ni Lopez ang mga reporma at kampanya laban sa katiwalian sa DPWH.
Binigyang-diin ng Malacañang na kapwa kabilang sina Dizon at Lopez sa mga opisyal na may mataas na performance sa administrasyon.





Comments