top of page
Search
  • BULGAR

Diwata, muntik halikan ni Coco

ni Angela Fernando @News | April 29, 2024




Inspirational ang naging atake ng guesting ni Deo Balbuena o mas kilala bilang si Diwata ng Diwata Pares Overload sa YouTube channel ni Toni Gonzaga na "Toni Talks."


Ibinahagi ni Diwata kay Toni na only boy pala siya at supposed to be "Jr." ng kanyang ama kaya lagi raw itong galit sa kanya n'un dahil alam na babae rin siya.


Marami mang pagsubok ang dumating sa buhay ng ngayon ay social media personality na, hindi niya ito hinayaang pigilin siya sa pag-abot ng kanyang pangarap.


Sa katunayan, parte na si Diwata ng Batang Quiapo at may shoot na weekly.


Dahil daw bago sa kanya ang mga shooting, nanginginig siya kapag nakakasama niya ang mga kilalang artista katulad nina Coco Martin at Ivana Alawi.


Sey ni Diwata, muntik niya na raw maka-kissing scene si Coco dahil inalok siya nitong hahalikan siya dahil kinakabahan siya sa gitna ng shoot.


Benta naman sa mga netizens ang ibinahaging kuwento ni Diwata dahil bukod sa na-motivate sila sa buhay, natawa pa sila dahil sa mga kuwelang hirit nito.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page