top of page

Divorce Bill, dapat pag-aralang mabuti

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 24, 2024
  • 2 min read

@Editorial | May 24, 2024



Editorial


Inaprubahan na ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang isa sa mga kontrobersiyal na panukalang batas, ang absolute divorce.


Nakakuha ng 126 na boto ang House Bill No. 9349 o Absolute Divorce Act habang 109 kongresista ang tutol at 20 naman ang nag-abstain.


Sa ilalim ng panukala, ang mga batayan para sa judicial decree ng absolute divorce ay ang mga sumusunod: Grounds para sa legal separation na nakasaad sa Article 55 ng Family Code; grounds para sa annulment of marriage sa ilalim ng Article 45 ng Family Code; kapag limang taon nang hiwalay ang mag-asawa bago inihain ang petisyon para sa absolute divorce at imposible na sila ay magkabalikan pa; kung mayroong psychological incapacity ang alinman sa mag-asawa; kapag ang isa sa mag-asawa ay nagpa-sex reassignment surgery o nagbago ang kasarian; kung mayroong irreconcilable difference ang mag-asawa at imposible nang magkasundo at iba pang uri ng domestic o marital abuse.


Sa ilalim ng panukala, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa tulong ng iba pang ahensya at mga organisasyon ang gagawa ng Implementing Rules and Regulations (IRR) sa loob ng 60 araw matapos maging batas ang panukala. 


Para sa asawa na dumaranas ng pang-aabuso, ito ang pagkakataon para makalaya at makapamuhay nang maayos at maligaya. Gayunman, para naman sa mga abusado at walang pagpapahalaga sa pamilya, ito’y tila paraan upang ‘di magseryoso sa pag-aasawa. Bagay na inaasahan nating ‘di makakalusot sakaling maging ganap na batas ang divorce.


Kailangang maging maingat sa pagbuo ng IRR, pag-aralang maigi ang mga posibleng maging butas ng batas.


Higit sa lahat, huwag sana itong magamit ng mga may pera at makapangyarihan para lang sa kapritso.


Ang pag-aasawa at pagbuo ng pamilya ay sagrado at malaking responsibilidad. Bago pasukin, tiyaking handa at totoo sa kagustuhan.


Ngayon, ang tanong, sakaling tuluyang maging batas ang divorce, handa na nga ba ang pamilyang Pinoy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGARY - BEA, NOT ONCE BUT TWICE NANG NAUDLOT ANG KASAL-IG _beaalonzo.jpg
bottom of page