Disneyland dragon, nagliyab

ni Jenny Rose Albason (OJT) | April 25, 2023

Isang 45-foot na Disneyland dragon ang biglang nagliyab sa isang palabas noong Sabado sa Anaheim, California.
Ayon sa ABC news, habang nanonood at nagre-record umano ang ilan sa mga bisita ay biglang may nag-anunsyo na hindi maaaring magpatuloy ang performance dahil sa nangyaring insidente.
Wala umanong naiulat na pinsala o namatay sa nangyaring insidente at patuloy na ring inaaalam ng mga awtoridad ang naging sanhi ng sunog.





Comments