top of page

Dismayado sa mga korup... SEN. ROBIN, GOODBYE ‘PINAS AFTER NG TERM BILANG SENADOR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 26, 2026



TEKA NGA - SEN. ROBIN, GOODBYE ‘PINAS AFTER NG TERM BILANG SENADOR-FB Robin Padilla

Photo: File / -FB Robin Padilla



Kaya pala desidido na si Sen. Robin Padilla na ibenta ang kanyang property sa Kyusi, ang Museo De Padilla, ay dahil plano na niyang iwan ang ‘Pinas at maninirahan na sila ng kanyang pamilya sa ibang bansa pagkatapos ng kanyang termino bilang senador sa 2028.


Hindi na raw siya tatakbo sa anumang posisyon. Dismayado raw siya sa kasalukuyang sistema ng ating gobyerno at sa malaganap na korupsiyon ng mga pulitiko at government officials. 


Gusto na lang daw ni Sen. Padilla na mamuhay nang tahimik sa ibang bansa kasama si Mariel at ang dalawa nilang anak.


Tiyak na magre-react ang mga bashers sa pahayag na ito ni Sen. Robin. Kilala kasi siya sa pagiging makabayan at pagmamahal niya sa kulturang Pilipino. Bakit kailangang layasan niya ang ‘Pinas dahil lang sa hindi niya nagugustuhan ang umiiral na sistema sa ating gobyerno? 


Hindi ba mas makakabuti kung siya ang mamuno na isulong ang pagbabago sa halip na layasan ang ‘Pinas?





Pamilya, walang balak makipag-areglo…

NAKAPATAY SA TATAY NI KELVIN, TUTULUYAN



MAY kumakalat na balitang ang ina ni Kelvin Miranda ay desididong kasuhan at idemanda ang driver ng L300 van na nakaaksidente sa kanyang mister na si Patricio Miranda. Nakakulong na raw ngayon ang nasabing driver at wala silang plano na makipag-areglo.


Nangyari ang aksidente noong April 19 sa Tangerine St., Concepcion, Marikina City. 


Bukas ang huling lamay sa tatay ni Kelvin Miranda na nakaburol sa Our Lady of Grace Parish sa Caloocan City. Sa Martes ay nakatakda itong i-cremate.

Sa kahilingan ni Kelvin ay ini-extend ang burol ng kanyang ama dahil gusto pa niyang makita at makapiling ito bago i-cremate. Dumagsa sa burol ang mga nakiramay na dati nilang kapitbahay sa Caloocan. 


Sa kabila ng kanyang kalungkutan sa pagkamatay ng kanyang ama, nagsilbing reunion ang pagdating at pagdamay ng mga dating kaibigan at kapitbahay ng pamilyang Miranda. 


Kahit papaano ay lumuwag ang loob ni Kelvin sa dami ng dumamay sa kanilang pamilya. Maging ang mga kababata ng aktor ay dumating at nagbigay ng moral support.





HINDI makapaniwala ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas nang kunin siya sa seryeng My Bespren Emman (MBE) ng TV5. Gaganap siya rito bilang madre.


Buong akala ni Ai Ai ay si Piolo Pascual ang kanyang makakapareha sa serye. ‘Yun pala, si Papa P ang co-producer at personal choice niya si Ai Ai para sa role bilang madre. 

Dati nang nakaganap si Ai Ai ng role na ito kaya madali na sa kanya ang muli niyang pagganap.


Naikot na ni Ai Ai ang malalaking networks tulad ng ABS-CBN, GMA-7 at ngayon ay sa TV5 naman. Panibagong experience ito at bagong kapaligiran. Bago rin ang production staff na kanyang makakatrabaho. 


Napaka-down-to-earth at professional ni Ai Ai delas Alas. Tiyak na hindi siya mahihirapan na mag-adjust sa mga staff ng TV5.





BFF, mahilig daw sa pasabog… BUBOY, ‘DI NAGBI-BRIEF, NIREGALUHAN NI MARIAN



SA isang episode ng programang Your Honor (YH), kaswal na inamin ni Buboy Villar na hindi siya nagsusuot ng brief dahil hindi siya komportable.


Nang malaman ito ni Marian Rivera, niregaluhan siya ng sapatos kung saan nakasiksik ang ilang brief na boxer type ang style. At iyon ang hindi malilimutan ni Buboy na gesture ng Primetime Queen.


Naging close sina Marian at Buboy nang magkasama sila sa ilang proyekto ng GMA-7. 


Sey nga ng aktor-host, kapag naging kaibigan mo si Marian Rivera, asahan mo na lagi kang may pasorpresang regalo kahit walang okasyon. 

At hanggang ngayon, hindi nagbabago ang kanilang pagkakaibigan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page