top of page
Search
  • BULGAR

"Dingdong, hindi pa nararating ang pinakatuktok" - Atty. Gozon

ni Eli San Miguel @Entertainment | May 9, 2024


Mananatiling Kapuso ang aktor na si Dingdong Dantes matapos niyang pirmahan ang bagong kontrata sa GMA Network Center ngayong Huwebes.


"Ako na mismo magpapasalamat na pumirma siya ulit, ni-renew ang kanyang contract sa GMA. Sa tingin ko, 'pag magaling ka ay lalo kang gagaling 'pag sumama ka sa GMA.


Ang exhibit one ay none other than Dingdong Dantes," pahayag ni GMA Network Chairman Atty. Felipe L. Gozon na present sa event.


"Pero ito lang ang masasabi ko. Hindi pa niya nararating ang pinakatuktok ng kanyang mararating. Hindi kamukha kong matanda na na pababa na, si Dingdong pataas pa. Kaya Dingdong, maraming maraming salamat. And I hope GMA and you will go higher together," dagdag niya.


Hindi naman napigilang maluha ni Dingdong sa mga congratulatory message na kanyang natanggap mula sa mga GMA executives.


"Sa aking mga boss, maraming maraming salamat. Thank you po for those kind words, I truly appreciate them," pagpapasalamat ng aktor.


"Ipinagpapasalamat ko 'yun sa inyo. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko rin maa-appreciate nang ganito ang biyaya at trabahong ibinigay sa akin ng GMA. Kaya maraming-maraming salamat sa inyo," dagdag niya.


Matatandaan na bago naging kilalang personalidad si Dingdong ay bumida siya sa kanyang unang serye sa ilalim ng GMA Network sa youth-oriented show na "T.G.I.S."

Mula noon, bumida rin siya sa ilang serye ng GMA tulad ng "Encantadia," "Alyas Robinhood," "Dyesebel," at iba pa.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page