Dingdong Dantes, honorary member na ng PMA ‘Sanghaya’ Class 200
ni Lolet Abania | December 4, 2022

Isa na ngayong honorary member ng Philippine Military Academy (PMA) “Sanghaya” Class 2000 ang aktor na si Dingdong Dantes.
Sa isang post sa Instagram ngayong Linggo, nai-share ni Dingdong ang kanyang certificate of membership at mga larawan mula sa kanyang oath-taking ceremony.
Sinimulan ni Dong ang kanyang post na may caption na, “Courage. Integrity. Loyalty.”
“Growing up in a family of service men; it had always been the goal for me to enter military school after high school,” sabi niya.
“God had different plans for me back then, but still led me to espouse these values, regardless of destination,” dagdag ng aktor.
Ayon kay Dingdong, malugod siyang tinanggap bilang miyembro ng Sanghaya habang nais na ibahagi ang mga values na sagradong hawak kasama ang kanyang PMA class.
Bukod dito, ang “Family Feud” host na si Dingdong ay isa ring Philippine Navy reservist.
Siya ay na-promote din bilang Lieutenant Commander noong 2020.





Comments