top of page
Search
BULGAR

Dingdong at Alden, tie na Best Actor… VILMA, MARICEL AT NORA, BEST ACTRESS SA STAR AWARDS FOR MOVIES

ni Julie Bonifacio @Winner | July 23, 2024



Showbiz Photo
Photo: Vilma Santos-Recto, Maricel Soriano at Nora Aunor - IG

Lumikha ng panibagong ingay ang Philippine Movie Press Club (PMPC) sa pagkakaroon ng grupo ng not just one, not two but three Best Actress winners sa 40th Star Awards for Movies last Sunday.


First time na nagkaroon ng tatlong Best Actress winners sa talaan ng local award-giving bodies, kaya tiyak na ‘di lang pag-uusapan, kundi tataas din ang kilay ng ibang kritiko at mga bashers.


Pero gaya ng kasabihan na "To each their own," may kani-kanyang basehan ang mga nagpapatakbo at namimili ng winner sa bawat award-giving body.

Triple tie for Best Actress sina Vilma Santos (When I Met You in Tokyo), Maricel Soriano (In His Mother’s Eyes) at Nora Aunor (Pieta).


Bukod sa triple tie, nag-tie naman sina Dingdong Dantes (Rewind) at Alden Richards (Five Breakups and a Romance) sa Best Actor.


Sa backstage ay pareho naming nakatsikahan saglit sina Dingdong at Alden, separately. Ishinare ni Dingdong ang nakuhang Best Actor award sa kanyang co-nominees.

“Well, I’m very happy lang kasi ‘yung pelikulang Rewind ay isa ‘yun sa may malakas na impact sa ‘kin na pelikula sa mga nagawa ko. Kaya kapag nakikita ko ‘to, alaala ‘to ng movie na ‘yun. Kaya, thank you very much for this,” sabi ni Dingdong sa amin bilang isa sa mga former presidents ng PMPC. 


Dream daw ni Dingdong, pati na ng kanyang misis na si Marian Rivera, na magpatuloy ‘yung ganu’ng klaseng box-office appreciation ng ating moviegoers.

“Hindi lang sa film festival kundi araw-araw, every week, monthly sa lahat ng pelikulang Pilipino,” diin ni Dingdong.


Malaki rin daw ang posibilidad na magsama sila ng ka-tie niya sa Best Actor na si Alden sa isang movie. 


 

After ng super hit na Rewind…

DINGDONG AT MARIAN, NEVER NA ULING GAGAWA NG MMFF MOVIE


Dingdong Dantes at Marian Rivera

Earlier, nakausap na rin namin si Dingdong at itinanong namin kung may gagawin ulit siya na pelikula para sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF).


Umiling si Dingdong na nagpapahiwatig na wala siyang pelikula para sa MMFF this year.

“Kunsensiya,” sabi ni Dingdong. “Kunsensiya dahil nu’ng nakaraang Christmas, sobrang naging busy kami (with my wife). Kahit mismong Christmas day, nasa labas kami, nagpo-promote ng movie. ‘Yung mga anak namin, naiwan sa bahay, ‘di kami kasama. Mga bata pa sila, they’re supposed to be celebrating and enjoying ‘yung Pasko kasama kami. So, we both decided na ‘di kami ulit gagawa ng movie for MMFF.”


In fact, may mga offers daw sa kanila ni Marian for MMFF pero pareho nilang tinanggihan.


Sa panahong well-established na ang career nina Dingdong at Marian, and of course financially abundant na sila na kahit for 10 years ay ‘di sila gumawa ng pelikula ay kering-keri nila, priceless pa rin talaga ang moments kapag kasama ang pamilya tuwing Christmas Day, lalo na ang dalawang batang anak nila.

Troth! 


 

HINDI nakadalo ang Star for All Seasons na si Vilma Santos sa 40th Star Awards for Movies.


Mas bonggacious sana kung nakadalo si Vilma at personal niyang tinanggap ang kanyang Best Actress trophy kasama ang Diamond Star na si Maricel Soriano at ang

Superstar na si Nora Aunor sa stage. Never na sigurong mangyayari, o maaaring matagalan pa, na mapagsama-sama silang tatlo on stage.


Bukod sa napanalunan ni Vilma na Best Actress award, isa rin ang Star for All Seasons sa binigyan ng karangalan para sa Dekada Award. 


Ang Dekada Award ay ibinibigay ng Phil. Movie Press Club sa artista na nakakuha ng pinakamaraming trophies sa Star Awards for Movies sa loob ng apat na dekada.

Kasama ni Vilma as Dekada Awardees sina Nora Aunor, Christopher de Leon at Piolo Pascual.


Ang iba pang nanalo sa katatapos lang na 40th Star Awards for Movies ay sina Gladys Reyes na Best Supporting Actress sa pelikulang Apag, JC de Vera for Best Supporting Actor sa pelikulang Mallari.


Ang pelikula ni Piolo Pascual na Mallari rin ang nanalong Best Picture at ang direktor nito na si Derrick Cabrido ang nakasungkit ng Best Director award.


Habang ang Litrato ng 3:16 Media Network ang nakakuha ng Best Picture award at ang direktor nito na si Louie Ignacio ang nag-uwi ng Best Director trophy.


Ang 40th Star Awards for Movies awards night ay produced ng Airtime Marketing ni Tess Celestino-Howard at idinirek ni Eric Quizon.


Ang kabuuan ng awards night ay ipapalabas sa A2Z sa July 27, Sabado, 10:30 ng gabi.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page