top of page
TEKA NGA - KATHRYN, OBYUS NA WALA NANG GANANG UMARTE-FB Netflix.jpg

Dinarayo ng mga fans at turista… RUFFA, PROUD NA MAY WAX FIGURE NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 22
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 22, 2026



TEKA NGA - RUFFA, PROUD NA MAY WAX FIGURE NA-

Photo: FB Ruffa Gutierrez



Labis na ikinatutuwa ni Ruffa Gutierrez nang malaman na may wax figure siya sa STARtista Gallery ng Star City. Ito ay bilang pagkilala sa kanya bilang isang Filipino achiever at outstanding role model.


Ang STARtista Gallery ay isa sa mga attractions ngayon ng Star City at dinarayo ng marami. Puwedeng magpa-selfie rito ang mga fans. 


Bukod kay Ruffa Gutierrez, ilan pang celebrities ang ginawan ng statue tulad nina Sen. Imee Marcos, Manila Mayor Isko Moreno, Richard Gomez, Lucy Torres, Michael V., Pops Fernandez, Ara Mina, Angel Locsin, Efren Bata Reyes, Hidilyn Diaz, Diana Zubiri, Paolo Contis, Gladys Reyes, Rhian Ramos at Bayani Agbayani.


Samantala, hinihingi pa ang permiso ng pamilya ng Comedy King na si Dolphy para sa statue na isasama sa STARtista Gallery.





Boyet, walang ginagawa… WISH NG MGA NORANIANS: SANA MAGHIMALA PARA MAGKABATI-BATI ANG MGA ANAK NI NORA



LUMALALA ang away sa pagitan ni Ian de Leon at ng mga kapatid na sina Lotlot, Matet, Kiko at Kenneth. 


May kani-kanyang version at statement ang mga anak ni Superstar Nora Aunor (RIP).


Pero sina Kiko at Kenneth, hindi pa nagsasalita tungkol sa isyu ng mana.

It seems nag-iisa si Ian sa laban nilang magkakapatid. Labis na nag-aalala ang mga Noranians sa nangyayari kaya umaapela sila kay Christopher de Leon na mamagitan at kausapin ang magkakapatid. Tiyak namang pakikinggan siya nina Ian, Lotlot at Matet.


Si Boyet de Leon ang biological father ni Ian de Leon. Si Lotlot naman ay adopted daughter kaya isinunod sa apelyidong de Leon. Maging si Matet ay gamit na rin ang apelyido ni Boyet.


More or less, si Christopher de Leon ang nakakaalam kung anu-ano ang mga naiwan na properties ng yumaong Superstar. 


At tiyak na hindi matatahimik ang kaluluwa ni Nora ngayong nagkakagulo at nag-aaway-away ang kanyang mga anak dahil sa mga naiwan niyang ari-arian. 


Dasal ng mga Noranians, sana ay may himalang mangyari upang maging daan ng pagkakasundo ng mga anak ni Nora Aunor.





BUMABAWI sa kanyang career ngayon si Mark Herras. May guest role siya sa The Master Cutter (TMC) at ganoon din sa Taskforce Firewall (TF). Kahit hindi lead role, may exposure siya at patuloy na napapanood sa telebisyon.


Maganda na nabigyan ng chance si Mark ng GMA-7 upang makabangong muli ang kanyang career at maibalik ang kanyang sigla sa showbiz. Mahalaga pa rin sa mga artista ang kanilang dignidad dahil marami ang umiidolo sa kanila.


Samantala, pasok na sa TF si Kyline Alcantara. Excited ang mga fans na makita siya sa isang action series. Maging ang buong cast na sina Miguel Tanfelix, Kylie Padilla, Buboy Villar at Jak Roberto ay tuwang-tuwa sa pagpasok ng aktres sa serye. 


Mainit nila itong tinanggap dahil makakasama na siya sa mga operasyon ng Firewall. Type na type naman ni Kyline Alcantara ang maaaksiyong role kaya excited siya tuwing may taping.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page