Dinalaw sa 13th death anniv… IBINUKING NI ERIC: ZSA ZSA, TODO-LINIS SA PUNTOD NI DOLPHY BAGO KUNAN NG PIKTYUR
- BULGAR

- Jul 13
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 13, 2025
Photo: Zsa Zsa Padilla - IG
Sa social media post ng singer at aktres na si Zsa Zsa Padilla noong July 10, 2025 ay nagbahagi siya ng larawan na nagpapakita ng puntod ng namayapang aktor at Comedy King na si Dolphy (RIP).
Ibinahagi ng mother dearest ng singer na si Karylle ang paggunita sa ika-13 anibersaryo ng kamatayan ng Comedy King.
Saad ni Zsa Zsa sa kanyang post, “Remembering you today, Dolphy, on your 13th death anniversary. Thank you for the laughter, the love, and all the beautiful memories you’ve left behind. You live on in our hearts and in the joy you brought to millions.”
Sa Instagram (IG) post naman ng aktor at direktor na si Eric Quizon ay nagbahagi siya ng video clip kasama ang kapatid na aktor na si Epy Quizon, habang ipinakikita ang puntod ng kanilang ama.
At ang isang video naman na ibinahagi ni Eric ay kasama niya si Zsa Zsa. Makikita na naglilinis ito ng puntod ni Mang Dolphy.
Sabi nga ni Eric habang naka-smile at halatang nagbibiro, “Actually, naka-hire kami ng cleaner,” sabay turo kay Zsa Zsa. Tapos ay sabay silang nagtawanan ng singer.
Ibinahagi ni Eric ang saloobin para sa 13th death anniversary ni Dolphy.
Saad niya, “Today, July 10, we commemorate the 13th death anniversary of Rodolfo Vera Quizon, our beloved ‘Dolphy, the undisputed 'King of Comedy.’
“Though he may have left us, Dolphy’s legacy of laughter lives on, touching the hearts of every Filipino across generations.
“On this day, we pay tribute to one of his most iconic roles, John Puruntong from the classic sitcom John en Marsha.
“His timeless contribution to Philippine entertainment continues to inspire and bring joy, proving that true talent never fades.”
Dagdag pa ni Eric, “Our Dad's 13th death anniversary. As usual, @zsazsapadilla cleaning Dad’s puntod and the beautiful flower arrangement. Zsa Zsa wants the open mausoleum camera ready.
“Dad, you will always be remembered. Remembering you today, Dolphy, on your 13th death anniversary.
“Thank you for the laughter, the love, and all the beautiful memories you’ve left behind.
“You live on in our hearts and in the joy you brought to millions.
“We love you, Dad! You will always be in our minds and our hearts.”
Salamat sa tuwa at sayang naidulot mo, Mang Dolphy.
Kapag pinanonood namin noon ang Comedy King sa mga pelikula niya ay nakakalimutan namin ang problema. ‘Di ba naman, Direk Eric Quizon?
Hindi nakalimutan ng social media personality na si Awra Briguela na bigyan ng halaga ang taong tumulong sa kanya sa pag-aaral.
Sa Instagram (IG) ni Awra ay nagbahagi siya ng larawan niya kasama ang TV host na si Vice Ganda. Makikita sa larawan na binabasa ni Vice ang nakuhang grades ni Awra sa school.
Ang caption niya, “There’s a different kind of fulfillment when you get to show your grades to the person who sent you to school, the one who never stopped believing in you, even in moments you doubted yourself.
“I’m so proud of how far I’ve come, and even prouder knowing that I made her proud. This is all for you (teary-eyed & red heart emoji).”
Bongga si Vice sa pagtulong kay Awra sa kanyang pag-aaral. Sabi nga ni John Dewey ay “Education is not preparation for life; education is life itself.”
Pak, ganern!
NASUNGKIT ng phenomenal hit na Hello, Love, Again (HLA) nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang walong nominasyon sa 8th Entertainment Editors’ Choice Awards (The Eddys), kasama ang Best Picture category.
Nominado ang highest-grossing Filipino film of all time sa Best Director para kay Cathy Garcia-Sampana, Best Actor para kay Alden Richards, Best Supporting Actor para kay Joross Gamboa, Best Screenplay, Best Editing, at Best Production Design.
Kasama pa sa mga nakuhang nominasyon ng film collaboration ng Star Cinema at GMA Pictures ang Best Musical Score, kung saan nominado rin ang And the Breadwinner
Is… (ATBWI) at Un/Happy For You (UFY).
Bukod sa mga nominasyon, pinangalanan din ng The Eddys sina Kathryn at Alden bilang “Box Office Heroes” dahil sa makasaysayang tagumpay ng HLA na may P1.6 billion worldwide gross.
Kabilang din sa Box Office Heroes honorees si Vice Ganda para sa ATBI na nagtala ng P460 million sa takilya. Nominado rin sa Best Actor category si Vice Ganda para sa kanyang natatanging pagganap sa nasabing pelikula.
Bahagi rin ng Box Office Heroes roster sina Joshua Garcia at Julia Barretto dahil sa box office success ng UFY na kumita ng P450 million sa mga sinehan.
‘Yun lang and I thank you.










Comments