top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

DILG, mapapalaban sa mga adik sa selda

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 28, 2023
1 min read

@Editorial | Pebrero 28, 2023


Nagbabala ang pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na may madadamay kapag may nahuling mga preso na gumagamit ng ilegal na droga.


Nakatakda umanong magsagawa ng regular na drug testing sa mga kulungan. Kasabay nito, kasama sa mananagot ay ang mga warden sa selda na kinabibilangan ng mga magpopositibo.


Ang tanong, mangyari kaya ito o baka panakot lang?


Mula noon hanggang ngayon, problema pa rin ang ilegal na droga. Minsan lang napatahimik nang magpatupad ng lockdown pero ngayon, talamak na naman.


Milyun-milyong halaga ng droga ang nasasabat at ang mga naaaresto, pawang mga small-time naman. Nasaan ang mga bigtime supplier, ang mga drug lords at ang mga protektor? Isama pa ang mga narco-politicians!


Malala na talaga ang drugs sa bansa at tila wala nang kinikilalang batas.


Ang isa pa sa masaklap na katotohanan, maging ang mga nasa kulungan ay sangkot din sa ilegal na kalakaran.


Hindi lang basta nakakapagpuslit ng mga droga sa loob, nagagawa pang makipagtransaksyon ng mga preso sa mga taong nasa labas.


Kaya masasabing mapapalaban ang DILG sa plano nitong mas paigtingin ang drug war sa mga kulungan.


Masyadong masalimuot ang problema sa ilegal na droga, malawak ang kalakaran at makapangyarihan ang mga sangkot dito.


Kung magkakaroon ng kamay na bakal at seryosong paglaban, baka may laban ang gobyerno kahit paano.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page