top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Digregorio at Ahanmisi ng Converge diniskarga ang Dyip

BULGAR
Jun 23, 2022
2 min read

ni GA - @Sports | June 23, 2022



Kumarga ng mainit na atake sa huling bahagi ng 4th period ang Converge FiberXers upang patuloy na kulelatin ang Terrafirma Dyip sa iskor na 97-84, sa unang laro ng 2022 PBA Philippine Cup sa MOA Arena sa Pasay City kahapon.


Nagtambal sa final canto sina Michael Digregorio na may 19 pts at Maverick Ahanmisi na may all-around performance sa 17 pts sa final period mula sa 4 na tres upang pangunahan ang FiberXers. Nakatulong nila ang rookies na sina David Murell na may 15pts, Justin Arana sa 10pts at 12 boards at Taylor Browne sa 10pts.


Naglista ng magkasunod na free throws si Christian Balagasay at lay-up ni Camson upang makuha ng Dyip ang 4 puntos na kalamangan sa 21-17 sa first quarter. Subalit kumana ng 13-4 blast ang FiberXers mula kina Murrell, Digregorio, Arana, at Ahanmisi para maagaw ang 43-42 sa pagpasok ng halftime.


Sa third canto, muling rumatsada ng atake sa huling bahagi ang FiberXers upang muling makuha ang bentahe sa 63-62 sa pagpasok ng 4th period.


Mula sa 72 na tabla sa nalalabing 7:08 sa laro ay hindi na napigilan pa ang FiberXers na maglabas ng mga arsenal higit na ang magagandang pasahan para sa 25-12 na palitan ng puntos ang magkabilang panig upang makuha ang ikalawang panalo.


Limang manlalaro para sa Terrafirma ang nagtapos ng double-digit scoring sa pangunguna ni Joseph Gabayni na may 18pts at 7 boards na sinundan ni Aldrech Ramosa sa 15pts, Juami Tiongson sa 13pts, Eric Camson sa 13pts, at double-double ni Joshua Munzon sa 10pts at 10 boards na nanatiling koponan na walang panalo sa 0-4 kartada.


Makakatapat ng Converge ang No.1 team na San Miguel Beer sa Linggo, habang sunod na makakalaban ng Terrafirma ang Blackwater Bossing (2-1) sa Sabado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page