Dignidad ng Comelec dapat ingatan alang-alang sa halalan
- BULGAR
- May 2, 2022
- 2 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | May 2, 2022
INIREKOMENDA ang pagsuspinde sa 2 ehekutibo ng Comelec dahil sa pumalpak na presidential at vice presidential debates.
Bistado naman talaga eh.
◘◘◘
INUULIT natin, ang mga debate kapag inilabas sa kahit anong plataporma ng media ay awtomatikong may “monetary agenda”.
May mga nagtangkang “kumita”.
Ganu’n lang kasimple.
◘◘◘
HINDI dumadalo sina ex-Sen. Bongbong Marcos at Meyor Sara dahil posibleng “gamitin” sila bilang “content” upang makahatak ng sponsors.
Eh, sino ang tatabo sa commercial placements?
D’yan dapat nakatutok ang imbestigasyon, wala nang iba pa.
◘◘◘
NAIS palabasin ng mga nasasangkot na Comelec executives na “kasalanan o paglabag sa batas, o immoral” ang hindi pagdalo sa “Comelec-sponsored debates”.
Kapag sinabing “Comelec-sponsored debate”, may konotasyon ‘yan na nakipagkutsaba ang Comelec sa isang kaduda-dudang “media ventures”.
Iyan ang dapat suriin.
◘◘◘
SINISISI diumano si Marcos dahil sa hindi pagdalo sa “Comelec debates kuno”, dahil napurnada ang diskarte ng mga kawatan?
Mabuti naman at patas ang mga Comelec commissioners at agad itong pinaimbestigahan.
Hindi nila kinukunsinte, kung sakali mang nagkaroon ng tangkang “corruption”.
He-he-he.
◘◘◘
MALINAW na ang mayorya ng komisyoner sa Comelec ay iniingatan ang reputasyon ng kanilang grupo.
Mahalagang maingatan ang dignidad ng Comelec, dahil d’yan nakasandal ang kredibilidad ng resulta ng halalan.
◘◘◘
HINDI ba kayo nakakahalata, pare-pareho lang ang plataporma ng lahat ng kandidato?
Nakatuturete na.
Walang bago, walang naiiba, panay generic.
Walang matinong plataporma ang mga kandidato.
◘◘◘
ANG mga nagwawagi sa eleksyon ay hindi nakabatay sa kuwalipikasyon at plataporma.
Suriin n’yo ang mga nasa Magic 12 sa resulta ng mga opinion survey.
May matitino bang plataporma ang mga ‘yan?
◘◘◘
ANO ang “common” sa mga nasa Magic 12 ng senatorial survey?
Lahat sila ay naglulustay ng milyun-milyong piso sa media ads — mainstream at social media.
Saan nanggagaling ang kanilang campaign budget?
Alam na n’yo ang sagot.
Ngayon, may mapapala ba kayo o may pagbabago bang magaganap kapag nahalal ang nasa Magic 12?
Waley.








Comments