Digitize contact tracing sa Naga city, mas safe kontra COVID
- BULGAR

- Oct 3, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | October 3, 2020

Nakatakdang ipatupad ng lokal na pamahalaan ng Naga City ang mandatory na paggamit ng “eSalvar” contact tracing app sa lahat ng residente na pupunta sa mga establisimyento sa siyudad simula October 18.
Ayon kay Mayor Nelson Legacion, ang mga kliyente, empleyado, suppliers at mga service providers na papasok sa mga gusali ng kumpanya ay kinakailangang gumamit ng eSalvar upang makatulong sa lungsod sa pagkakaroon ng digitize na contact tracing laban sa Coronavirus.
Ito ang naging tugon ni Legacion sa hiling ng mga business owners sa pamamagitan ng Metro Naga Chamber of Commerce and Industry (MNCCI) na magbuo ng programa, kung saan anila, mayroong panganib ng transmission ng virus sa tinatawag na pen-and-paper data contact tracing.
Napagkasunduan ng city government at business sectors na magkaroon ng napapanahon at makabuluhang solusyon laban sa pandemya ng COVID-19.
“The concept of eSalvar stemmed from the need to dramatically improve the contact tracing capabilities of Naga City’s Epidemiology and Surveillance Unit (CESU). With eSalvar, people’s movements are automatically made accessible to the CESU,” sabi ni Legacion.
Dagdag pa rito, naipasa na ng Sangguniang Panlungsod ang Ordinance No. 2020-086, na kinakailangang lahat ng indibidwal na residente o papasok sa Naga City ay mag-download ng kanilang QR code, gayundin ang mga establisimyento na dapat mag-register, mag-install at gumamit ng nasabing app.
Sa city ordinance, kinakailangan din na ang mga may-ari ng negosyo sa lungsod ay makapag-register hanggang October 18.





Comments