top of page
Search
BULGAR

Diborsyo para sa lahat, pero annulment pang-rich lang

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 6 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


JUETENG BALIK-OPERASYON SA OLONGAPO CITY -- Balik-operasyon na raw ang jueteng sa Olongapo City.


Aba’y dapat aksyunan agad ‘yan ni Olongapo City Mayor Rolen Paulino, Jr. kasi kung dededmahin lang niya ang balik-jueteng sa lungsod ay tiyak marami na naman sa kanyang mga constituent ang mararaket ng mga “anak ng jueteng” sa Gapo, boom!


XXX


SANAY NA ANG LTFRB NA NAKIKITANG NAHIHIRAPAN SA PAGSAKAY SA PUBLIC TRANSPORT ANG MGA KOMYUTER -- Dahil sa pagtanggi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pagkalooban ng isang taong permit ang mga jeepney operators para makapamasada pa ang mga traditional jeepney na hindi nag-consolidate sa mga korporasyon at kooperatiba, ay nagbanta ang transport organization na Manibela at Piston na tatlong araw silang magtitigil-pasada next week.


Pero imbes na mabahala ay tila binalewala lang ng LTFRB officials ang hamon na ito dahil sanay na raw sila sa madalas na pagtitigil-pasada ng mga pampasaherong jeep.


Kumbaga, parang sinabi na rin ng LTFRB na sanay na silang nakikitang nahihirapan ang mga komyuter sa pagsakay sa mga public transport, mga buset!


XXX


ANG DIBORSYO PARA SA LAHAT, ANG ANNULMENT PANG-RICH LANG! -- Ang diborsyo ay para sa lahat ng mag-asawang hindi na magkasundo, mahirap man o mayaman ay puwedeng mapaghiwalay sa pamamagitan nga nito, at sa kabilang banda naman ang annulment ay para lang sa mga mayayaman na nais maghiwalay.


Silang mga rich lang ang may kakayahang gumasta ng malaking halaga sa proseso ng annulment, kasi ang mga nasa middle-class lalo na ang mga mahihirap na mag-asawang nais maghiwalay ay hindi kaya bayaran ang pagkamahal-mahal na annulment process.


Kaya iyong mga nagpapahayag ng pagtutol sa diborsyo, walang duda, mga rich ‘yan, period! 


XXX


PALPAK NA MGA MIYEMBRO NG ECONOMIC TEAM NG MARCOS ADMIN, SIBAKIN! -- Nitong nakalipas na buwan ng Mayo 2024 ay sumirit ng 3.9% ang inflation rate na ibig sabihin, tumaas na naman ang presyo ng mga bilihin at bayarin.


Dapat yata sibakin na ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ang mga miyembro ng economic team ng kanyang administrasyon dahil ang walang humpay na pagsirit ng inflation rate sa bansa ay pagpapakita na palpak sila (economic team) sa kanilang mga tungkulin, boom!

0 comments

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page