top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Diaz-Naranjo, bukod sa Olympics at Asian Games, handa rin sa Cuba

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 17, 2023
1 min read

ni Clyde Mariano @Sports | April 17, 2023




Maliban sa dalawang Olympic qualifying na gagawin sa Korea at Saudi Arabia, pinaghahandaan din ni Tokyo Olympics gold medalist at reigning World Weightlifting champion Hidilyn Diaz-Naranjo ang dalawang grandslam sa Cuba sa June 2-12 matapos ang SEA Games sa Cambodia at bago laruin ang Asian Games sa China.


Sinabi ito ni coach Nicolas Jaluag sa chance interview sa Philippine Sports Commission Athletes Canteen kasama si coach Tony Agustin. “Ang dalawang grandslam ay kasama sa paghahanda ni Hidilyn sa 2024 Tokyo Olympics,” sabi Jaluag, veteran ng Asian Games at Southeast Asian Games.


Sinabi ni Jaluag na mahigit 30 bansa ang kalahok sa nasabing tournament sa Havana, Cuba.


Inamin ni Jaluag na mahirap ang ambisyon ni Diaz na masungkit ang pangalawang sunod na ginto at pangatlong medalya mula 2016 sa Brazil kung saan nanalo ang Pinay ng pilak matapos makapasa sa qualifying na ginawa sa Brown Convention Center sa Houston, Texas.


“Medyo mabigat ang laban niya sa 59 kilograms. Hindi niya division ang 59 kg. Ang kanyang ideal weight at 55 kg. Napilitan siyang umakyat sa 59kg. dahil wala ang 55kg sa limang weight divisions sa women,” pahayag ni Jaluag.


Dinomina ni Diaz ang 55kg sa Olympics Games, World Weightlifting, Asian Games, SEA Games, at Roma (Italy) Cup. “Sana manalo si Hidilyn sa una niyang paglahok sa heavier division bago magretiro para maningning ang kanyang career sa weightlifting,” dagdag ni Jaluag.


Si Jaluag ay naka-2 pilak sa SEAG noong 1995 sa Chiang Mai, Thailand at 1991 sa 'Pinas at tanso noong 1997 sa Indonesia at 1989 sa Kuala Lumpur, Malaysia.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page