Search
  • BULGAR

Diaz, naka-gold sa Oceania online lifters tournament

ni Gerard Arce / VA - @Sports | August 1, 2020




Kung saka-sakaling walang naganap na pandemya ngayon, paniguradong muling bibitbitin ni Hidilyn Diaz ang bandila ng Pilipinas sa 2020 Tokyo Olympics – pero pansamantala, ibang karangalan muna ang kanyang sinukbit sa pandaigdigang kompetisyon.


Binuhat ng 29-anyos na Zamboanga City-native ang gintong medalya sa katatapos lang na 2020 Oceania Weightlifting Federation (OWF) Eleiko Email International Lifters Tournament sa women’s 59-kgs category. Rumehistro ito ng kabuuang 216kgs mula sa 95kgs sa snatch at 121kgs sa clean and jerk para sa online competition na isinagawa noong Hulyo 24-25.


Naging kauna-unahang babaeng Filipinang nagwagi ng medalya sa Olympiad ang Philippine Airforce staff Sargent sa 2016 Rio Olympics ng buhatin nito ang kabuuang 200kgs para sa silver medal finish sa likod ni Hsu Shu-Ching ng Chinese Taipei na may nakuhang 212kgs.


Emosyonal ang naging pahayag ng 2018 Jakarta-Palembang Asian Games gold medalist sa kanyang social media account dahil nakatakda sana itong makapasok at sumabak sa Summer Games na magsisimula na sana nitong Hulyo 24 hanggang Agosto 9 sa Tokyo, Japan.


Dapat maglalaro ako kahapon sa #Tokyo2020. Dahil sa COVID-19, napostpone ang Olympics. Na-move next year. Buti na lang may online competition. Nakabuhat ako ng 95kg sa snatch and 121kg sa clean and jerk,” saad ni Diaz sa kanyang twitter account.


Lubos din ang panghihinayang ng 2019 Southeast Asian Games champion na dapat ay pinapanood ito ngayon ng mga milyong-milyong Filipino sa kanyang pagsabak sa naurong na quadrennial meet sa susunod na taon.


I was supposed to compete today in #Tokyo2020, I already imagined the crowd would be full of Filipinos cheering for my win in Olympics but because of the Covid-19 Pandemic the Olympics was moved to July 23-Aug 8, 2021 that imagination got blurred,” paglalahad naman nito sa kanyang Facebook post.


Lubos naman ang pasasalamat nito sa kanyang koponan at sa patuloy na tulong na ibinibigay ng Philippine Sports Commission (PSC), MVP Sports Foundation at sa mga sponsors at sa mga walang sawang gumagabay at tumutulong sa kanya sa gitna ng coronavirus pandemic, kung saan nasa Kuala Lumpur, Malaysia ito sapol pa noong Pebrero.


Kasalukuyang nasa ika-4th spot si Diaz kasunod ng tatlong Chinese weightlifters na sina Liao Qiuyon, Zhang Wanquiong, at Li Yajun. Ngunit, isang manlalaro lamang kada isang bansa ang mailalagay sa listahan ng kwalipikado sa 2020 Summer Games sa Tokyo, Japan na magsisismula sa Hulyo 23-Agosto 8, 2021, kung kaya’t lumalabas na nasa-2nd place na Pinay weightlifter.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.