'Di talaga break… KATHRYN AT DANIEL, TUMAKAS, MAGKASAMA SA JAPAN
ni Nitz Miralles - @Bida | November 2, 2022

Nagkita-kita na sa Japan sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Ria Atayde, Joshua Garcia at Zanjoe Marudo.
Sa isang photo na nakita namin, kasama rin nila sa Japan si Robi Domingo at ilan pang kaibigan.
Nauna lang sa Japan sina Joshua, Ria at Zanjoe at sumunod sina Daniel at Kathryn.
Kaya tuwang-tuwa ang KathNiel fans na magkasamang nagbakasyon sa Japan sina Kathryn at Daniel ay dahil napatunayan nilang fake news ang balitang break na ang
dalawa.
May rasong mag-post ang isang fan na masaya silang mga KathNiels dahil magkasamang nagbakasyon sina Daniel at Kathryn.
May pa-shade pa ang fan na tumakas sina Daniel at Kathryn sa mga nang-iintriga sa KathNiel.
“Walang kuwentang tao na wagas magkalat ng news about KathNiel. 11 years na sila ay basta na lang nilang hinuhusgahan ang magtangi. Ngayon, manigas kayo! Dahil kahit kailanman, hindi ipagpapalit ni Daniel ang isang Kathryn na mawala sa buhay niya dahil lang sa mga tsismis. Mga shungaers na mga nagbabalita,” galit na galit na post ng fan.
Ang sweet nga nina Daniel at Kathryn dahil on the way to Japan, twinning ang suot na brown jacket at pants at pati socks nila, twinning din.
Naghubad kasi sila ng sapatos habang nasa eroplano at nakunan ng photo na pareho sila ng suot na socks.





Comments