‘Di stressed sa pag-aalaga… RICA: HEART, MAGANDA PA RIN DAHIL WALANG ANAK
- BULGAR

- Jul 25
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 25, 2025
Photo File: Rica Peralejo at Heart Evangelista - IG
Hindi minasama ni Heart Evangelista ang naging komento ni Rica Peralejo na isa sa mga dahilan kung bakit nananatiling maganda si Heart ay dahil wala itong anak na inaalagaan.
Bagama’t ilang loyal fans ni Heart ang nag-react at binigyan ng ibang kahulugan ang sinabi ni Rica, malinaw ang intensiyon ng dating aktres.
Naungkat muli ang sensitibong isyu ng pagiging childless nina Heart at Sen. Chiz Escudero, isang topic na ayaw nang pag-usapan ng aktres-fashion icon. Dalawang beses na nagka-miscarriage si Heart, dahilan kaya’t hirap na siyang magdalantao. Malalim ang kanyang pinagdaanan, at matagal siyang na-depressed dahil dito.
Pero ayon kay Heart, naunawaan niya ang mensahe ni Rica na hindi para insultuhin kundi para bigyang-diin ang reyalidad ng maraming ina, na dahil sa tutok sa anak ay minsan, nakakalimutang alagaan ang sarili.
Nilinaw din ni Rica Peralejo na ito ang dahilan kung bakit mas naalagaan ni Heart ang kanyang hitsura, hindi siya na-stress sa pagpapalaki ng anak tulad ng ibang kababaihan.
Ipinalit kay Barbie…
BAGO NI RICHARD, EX NI XIAN GAZA
KINIKILIG ngayon ang libu-libong fans ng BarDa (Barbie Forteza at David Licauco) love team dahil muling magsasama ang dalawa sa bagong seryeng Beauty Empire (BE).
Balitang papasok si David sa nasabing serye kaya abot-langit ang excitement ng mga tagahanga. Buhay na buhay na naman ang fandom nina Barbie at David. Ngayon pa lang ay gusto na ng kanilang mga fans na malaman kung ano ang role na gagampanan ni David. Hiling din ng marami na sana’y mahaba-haba ang exposure ng aktor sa serye.
Tiyak na gabi-gabing aabangan ng mga BarDa fans ang BE.
Samantala, dagdag na atraksiyon din sa serye ang paglahok ng Korean pop star na si Choi Bo Min. Kinunan pa ang ilang eksena sa South Korea kasama sina Barbie Forteza at Kyline Alcantara.
Ngunit iba pa rin ang impact ni David Licauco, sabik na sabik na ang mga fans na makita siyang muli sa piling ni Barbie. Maging si Kyline ay kinikilig kapag nakikitang magkasama ang dalawa.
Maraming netizens ang umaasa na huwag nang paghiwalayin ang BarDa dahil malakas ang hatak nila sa masa. Ayon pa sa ilan, sila ang posibleng pumalit sa tambalang AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza.
DESERVE na deserve ni Sylvia Sanchez ang ‘Rising Producer Circle Award’ mula sa 8th
EDDYS.
Sa maikling panahon, napag-aralan ni Sylvia ang likod ng kamera bilang film producer. Naitatag niya ang sariling production outfit, ang Nathan Studios, at nakapagprodyus na ng dalawang pelikula – ang Bagman at Topakk.
Kasunod nito, kasalukuyan na nilang ginagawa ang ImPerfect (IP), ang magiging entry nila sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025. Tampok dito sina Lorna Tolentino, Janice de Belen, Tonton Gutierrez, Joey Marquez, at marami pang iba.
Bilang baguhang producer, todo-sipag at hands-on si Sylvia. Kitang-kita sa kanya ang malasakit at dedikasyon sa industriya, kaya’t marami ang nagsasabing sumusunod siya sa yapak ng yumaong Mother Lily Monteverde ng Regal Films.
May vision, puso at karismang bihira sa mga bagong producers, kaya’t tiyak na malayo pa ang mararating ng Nathan Studios.
Higit pa riyan, tiyak ding marami pang artista at film workers ang matutulungan ni Sylvia sa kanyang adhikaing buhayin ang pelikulang Pilipino.
BAGAMA’T saglit lang tumagal diumano (kung totoo ang tsismis) ang relasyong Barbie Imperial-Richard Gutierrez, may kumakalat na balitang may bago nang idine-date ang aktor – si Charlotte Wink na ex-girlfriend umano ni Xian Gaza.
May sightings na magkasama ang dalawa, ngunit tikom ang bibig ng kampo ni Richard tungkol dito.
Sa kabilang banda, nananatiling tahimik at composed si Sarah Lahbati, dating misis ni Richard, tungkol sa balita.
Ayon sa malalapit sa aktres, naka-move on na raw ito at may bago na ring inspirasyon.
May co-parenting agreement sina Sarah at Richard para sa dalawa nilang anak, at kahit single mom na ngayon si Sarah, patuloy ang kanyang pagbangon sa tulong ng pamilya’t career.










Comments