top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

‘Di raw tulad ng ex na si Gerald na brusko… BEA, TODO-DEPENSA SA PAGIGING MALAMBOT NI DOMINIC

BULGAR
Sep 20, 2021
2 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 20, 2021



Alam ni Bea Alonzo na marami ang lihim na naiinggit at naninira sa nobyong si Dominic Roque nang aminin na nila sa publiko ang kanilang relasyon.


Kung anu-ano ang ikinakalat na paninira kay Dominic. Pinapansin ng ilang netizens ang sobrang pagiging mabait, soft-spoken at tahimik ng aktor. Hindi raw ito kasingtikas at brusko ni Gerald Anderson at ng iba pang aktor na na-link kay Bea.


Pero, todo-depensa ang aktres sa nobyo. Nag-comment pa si Bea ng “There’s strength in being soft.”


Meaning, kung sa palagay ng iba ay soft ang personalidad ni Dominic, para kay Bea, may nakatago naman itong kakaibang lakas sa ibang bagay at aspeto.

Hindi lang naman sa physical look nasusukat ang lakas ng isang tao. Merong tahimik lang pero malakas ang loob na harapin ang lahat ng pagsubok sa buhay.


At si Dominic Roque, kahit tahimik at hindi maporma tulad ng ibang lalaki ay maaasahan sa panahon ng krisis. He’s a man of few words pero sagana sa action at handang ipagtanggol at ipaglaban ang kanyang mahal.


Samantala, si Bea ay hindi na gaanong nagpapaapekto sa kanyang mga bashers. Tuluy-tuloy lang ang pagtulong at pagse-share niya ng kanyang mga blessings sa mga kapuspalad na nangangailangan.


Pinasalamatan nga siya ni Edu Manzano dahil maraming natulungan sa Batangas ang aktres via her I Am Hope organization. Nagpadala sila ng 1,600 packs ng assorted groceries na ipinamigay sa mga residente ng isang bayan sa Batangas.


Mula pa noong unang nag-lockdown dahil sa COVID pandemic ay regular nang nagpapadala ng tulong si Bea. Kahit sa panahon ng kalamidad ay isa si Bea Alonzo sa mga agad-agad na tumutulong sa mga nasalanta ng bagyo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page