‘Di raw talaga magaling na aktor… SIGAW NG NETIZENS: DAVID, OBYUS NA SCRIPTED ANG GALAWAN SA PBB
- BULGAR

- May 7
- 3 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | May 7, 2025
Photo: David Licauco - IG
“Unfair naman,” sigaw nga ng netizen sa tila pagbibigay daw ng hint ni David Licauco sa kanyang BFF housemate na si Dustin Yu sa Pinoy Big Brother (PBB).
Ang sinasabing hint nga ay may kinalaman sa reception at impression ngayon ng outside world kay Dustin na tinatawag na ngang ‘toxic at manipulative’ ng madlang nakatutok sa show.
May mga kumakalat kasing clips na pinapayuhan at tila binibigyan ng ‘warning’ ni David ang BFF niya.
Kaya sigaw ng ibang may mga minamanok na housemates, unfair daw at hindi makatarungan sa ibang walang alam sa nagaganap sa outside world.
Hmmm…. baka naman kasi ‘task’ daw ‘yun na dapat gawin ni David for his BFF at may consequence itong katapat?
May mga nangangantiyaw tuloy ngayon kay David na masyado raw scripted ang kanyang mga galawan sa loob, kaya’t hindi ito natural na lumalabas sa arte niya.
“Hindi talaga s’ya magaling na aktor kung ganu’n,” hirit pa ng netizen.
PINAG-UUSAPAN ang viral photos na ini-upload ni Vincent Co, ang binatang anak ng Puregold owner at iba pang malalaking negosyo.
Sa naturang picture kasi ay makikita na may ka-holding hands siya na isang babaeng nakatalikod, na hinihinalang kanyang GF.
Kuha ang mga photos sa Andalucia, Spain at sa kanyang private socmed (social media) account naman ito naka-post.
Ang siste, maraming magagaling na netizens ang nag-unearth ng mga bagay-bagay after nilang makita na may kaparehong post ang aktres na si Bea Alonzo sa kanyang socmed account naman.
Magkapareho ang hitsura at background kaya't nag-assume ang netizen na si Bea nga ang ka-holding hands ni Vincent.
At mas lalong nagduda ang netizen na si Bea nga ‘yun bilang may property nga sa Spain ang maganda at magaling na aktres at kapag hindi rin lang ito busy sa showbiz commitments niya ay laging nababalita na nasa Spain ito.
So, one plus one lang ang ginawa ng marami kaya’t sinasabi nilang happy sila para kay Bea.
Solis, lalo’t grabe raw ang ginawang personal na pang-ookray dati ni Manay kay Bea. Ano ang konek?
Well, ayon sa mga Marites, beshie-beshie ni Manay Lolit ang parents, especially ang nanay ni Vincent Co.
Baka raw kasi may mga paunang ‘chismis’ nang nai-share si Manay sa mga ito.
‘Kaloka naman. Hahahaha!
MATAPOS ang sunud-sunod na revelation ng cast ng upcoming serye na Sang’gre ay nagdiwang naman ang buong GMA Network sa ika-20 anibersaryo ng legendary serye na Encantadia.
Nagkaroon ng isang masayang Sang’gre for a Day kung saan nakasama ng ilang mga empleyado ang new generation of Sang’gre na sina Angel Guardian, Kelvin Miranda, at Faith Da Silva, pati na rin ang iconic character na si “Nunong Imaw”.
Kasunod naman nito ay nagkaroon ng live discussion ang headwriter na si Onay Sales at direktor ng series na si Enzo Williams kasama ang mga Encantadiks kung saan sinariwa nila ang mga paboritong eksena at mga aabangan sa bagong yugto ng Sang’gre.
Samantala, nagbigay naman ng kani-kanyang mensahe ang mga naunang gumanap na Sang’gre na sina Iza Calzado, Karylle at Diana Zubiri bilang paggunita sa makasaysayang serye.
Sey ni Iza, “Can’t believe it's been 20 years! Hasne Ivo Live, Encantadia.”
Habang pasasalamat naman ang ipinahayag ni Karylle sa kanyang Instagram (IG) post,
“Alena lives on in every single happy interaction I have with someone who spent their childhood with us. I thank every single one of you who ever took the time to tell me about your childhood.”
Sey naman ni Diana, “Una kong teleserye ang Encantadia, wala akong kaalam-alam dito pero minahal n’yo si Danaya. Happy 20 years sa lahat ng mga Ashti.”
Avisala Eshma sa dalawang dekadang mahika. Happy anniversary sa lahat ng Encantadiks.
Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang’gre sa GMA Prime, malapit na malapit na!










Comments