top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

'Di raw siya cougar, pero... CRISTINE, AAYAW-AYAW KAY MARCO NOON, DYOWA NA NGAYON

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 27, 2023
1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | April 27, 2023


Grabe na talaga ang mga netizens ngayon, masisipag, matitiyaga at talagang magpapakita ng resibo kapag gusto nilang "makialam at makisali" sa buhay ng mga celebrities.


After ngang mag-post ni Marco Gumabao ng tila sexy and intimate photo nila ni Cristine Reyes, sari-saring paggawa ng mga katatawanan at pagpapakita ng resibo ang ginawa ng ilan.


Ang naturang picture na ipinost ni Marco sa kanyang social media account ang tila naging pag-amin nito sa tunay na relasyon nila ng aktres at may caption pa ito na: "You are my home and my adventure all at once."


Dumagsa ang mga congratulatory messages mula sa mga showbiz friends nila, pero mas nakakaloka ang mga screenshots ng ilang netizens kung saan pinagtabi nila ang larawan sa na-Google nilang "saying" o kasabihan na obviously ay du'n nga nakuha ni Marco.


Pero, ang higit naming ikinaloloka ngayon ay 'yung naging interview ni Cristine kay Boy Abunda three years ago.


Parang tinanong du'n si Cristine kung sino sa mga young hunk actors (then) ang sa tingin niya ay babagay sa kanya.


Nabanggit si Marco sa mga pinagpilian, pero sumagot si Cristine na masyado pa itong bata para sa kanya sabay hirit na, "Ano ako, cougar?"


Now, alam na natin ang sagot, Mareng Ateng Janiz at mga ka-BULGAR. Kaya, mag-ingat-ingat sa mga sinasabi, ha?! Hindi natin alam, baka bukas o makalawa, 'yung dating baby mong kaeksena, either dyinowa mo o inasawa na, 'di ba?!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page